#1

40 3 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

******************************************************

******************************************************

*tugs tugs tugs*

"yeah! woooohh!" sigaw ni Chloe habang sumasayaw. Nakasuot siya ng isang maikling dress na may kulay na glittered violet and black.

kembot dito, kembot doon. Kasalukuyan siyang may kasayaw na gwapong lalaki ng biglang

*pak*

"aw! what's your problem b*tch? why the hell did you slap me?" bigla na lamang siyang sinampal ng isang di kilalang babae

"what's my problem? soon to be husband ko yang kinakalantaray mo eh! you slut, stop flirting with my fiance!" sabay sabunot nito sa buhok ni Chloe

at syempre hindi magpapatalo ang ating bida kung siya sinabunutan, sinapak naman niya ito ng pagkalakas lakas dahilan para dumugo ang ilong nito at tumalsik ang isang ngipin

"aw aw aw! haray, mashaket! bwishit kang babae ka, how dare you punch my beautiful peys!" sigaw ng babae. Hindi ito makapagsalita ng maayos dahil sa natanggal nitong ngipin

"Chloe! are you alright?" nagaalalang tanong ng lalakeng kasayaw nito kanina at sinasabing fiance daw ng babaeng nanampal kay Chloe

"babe? bat siya ang tinatanong mo? ako ang nashaktan dito at ako ang mapapangashawa mo, shakin ka dapat magalala hindi sa malanding babaeng yan!"  pagiinarte ng babae

"sorry Nene but i'm cancelling our marriage. I think i've found the right person who'm i'm willing to spend the rest of my life with, and i'm sorry to tell that it's not you. Let's break up. I'm really sorry Nene."

"babe, do you know what you're saying?! you're leaving me for that ugly girl?" paiyak na si Nene habang sinasabi ang mga katagang ito. Isang tingin lang na nagsasabing 'oo' ang itinugon ng lalaki. "I HATE YOU!" sigaw ni Nene sabay sampal at walkout nito habang tuluyan na itong napaluha dahil sa sakit na nadarama nito sa pagiwan sa kanya ng kanyang soon to be husband at dahil na rin sa sakit na nadarama na dulot ng sapak ni Chloe. Ngunit mas nangingibabaw pa din ang sakit sa kanyang puso. "Magbabayad ka Chloe, i'll make sure that you'll suffer til' death. Not physically but emotionally. Mas masakit pa sa nararamdaman ko ngayon." galit na galit na bulong nito sa kanyang sarili.

Bumalik na muli tayo kay Chloe, masyado nang mahaba ang screentime ni Nene kesa sa bida natin.

Habang nagwowalkout si Nene ay tinitignan lamang ito ni Chloe habang nakangiti, isang ngiti ng pagkapanalo. 'ang ganda ko talaga' ani nito sa kanyang isip

"Chloe..." wika ng lalaki. Tinaasan lamang ito ng kilay ni Chloe senyales na sabihin na nito ang gusto nitong sabihin. "i-i like you... W-will you be mine?" utal utal na sambit nito dahil sa kabang nadarama

"neknek mo!" sabay sipa nito sa maselang bahagi ng lalaki at takbo. Nang medyo makalayo na siya sa lalaki na kasalukuyang namimilipit sa sakit ay nilingon niya ito at sabay sigaw ng "get lost playboy! you'll never have me!" pagkasabi niya nito ay binelatan pa niya ang lalaki saka nagpatuloy sa pagalis nito.

"mga lalaki nga naman. Makakita lang ng mas maganda at sexy, mangiiwan na agad." sabay smirk nito

By the way hindi ko pa pala napapakilala sa inyo ang ating bida. Ang pangalan niya ay Chloe Anne Landiko, Chloe is pronounced as Klo-wi. Halata naman na sa apelyido niya ang kanyang ugali kaya wag na kayong magtanong. Siya ay disinuebe anyos at kasalukuyang nagaaral sa Hali Parrot University o HPU sa kursong Business Administration. Matalino, maganda, sexy, magaling sa lahat ng bagay tulad ng volleyball, basketball, swimming, tennis at iba pang klaseng sports ay kaya niyang laruin, magaling din siyang sumayaw at kumanta kaya sikat na sikat siya sa unibersidad na kanyang pinagaaralan. Almost perfect ika nga nila, ang tanging kulang na lang dito ay ugali. Oo mabait siya pero from her surname itself ay inaamin ang kalandiang taglay ni Chloe

.

Nakauwi na si Chloe sa malamansyon nitong tirahan, nadatnan niya ang kanyang ina na kasalukuyang nagluluto. Kahit na napakayaman nila at napakaraming mga maids ay mas gusto pa din nitong siya ang magluto, simple lamang ang mommy ni Chloe ngunit napakaganda nito.

"Mom si dad?" tanong ni Chloe

"Nag-nagtatrabaho" alangang sagot nito

"Nagtatrabaho o nambababae?"

isang malungkot na tingin lamang ang isinagot nito

bumuntong hininga muna si Chloe bago nagsalita muli "matutulog na po ko"

"Teka, nagluto ako. Kumain ka muna"

"Wala po kong gana" sagot nito at tuluyan nang nagtungo sa kanyang kwarto at nahiga

Ilang sandali pa ay agad din siyang nakatulog

...

...

...

 "Ang init naman. Brownout ba?" bulong ni Chloe habang nakapikit pa din

"Ligaya gumising ka na." ani ng isang matandang babae habang mahinang tinatapik sa balikat si Chloe

'sinong Ligaya?' ani ni Chloe sa kanyang isip habang unti unting minumulat ang kanyang mga mata "What the f*ck?!" sigaw niya nang tuluyan na niyang naimulat ng lubusan ang kanyang mga mata "na-nasaan ako? and why the f*ck am i wearing this?!" sabay turo sa suot niyang baro't saya.

=> to be continued

*picture of Chloe at the right side =====>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Past vs. Present (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon