Chapter 3 - My Juno's Back!

5.9K 99 1
                                    

Eto na back to reality! Nasa kama kame ni Juno. Tapos ayun na. ayun na nga talaga! Huhuhu tulong po tulong. Nakapatong na sakin si Juno.

Nakatitig siya sakin nang sobra. Halos matunaw na talaga ako.

Dahan dahan niyang hinawakan yung mukha ko. Tapos unti-unti niyang nilalapit sakin yung mukha niya. Ayun na nga talaga! Pinikit ko yung mata ko. Nararamdaman ko na yung hininga niya.

Ayun na nga. Magkadikit na nga mga labi namin mga 2 mins. kameng ganun. Naramdaman ko nalang na mejo nwawala na yung mabigat na nakapatong sakin.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Wala na sa taas ko si Juno. Umikot ako tapos nasa tabi ko siya nakatitig sakin at nakangiti. Bigla niyang pinitik yung noo ko.

“loko tong batang to! Kung anu-ano iniisip!” bigla siyang tumawa pagkatapos niyang sabihin yan. Niyakap niya ko, “gusto lang kitang yakapin at halikan, miss na miss na kita eh.”

Nakatitig lang ako sa kanya sa sobrang hiya ko. “wag ka na nga mahiya jan! hay antok na ko, tulog na tayo ha.”

Kiniss niya ko sa pisngi tapos pumikit na siya. Ang tanga ko talaga!!! Nakakahiya! Ako pa tong nag-isip nang masama! Hay grabe talaga yun.

Tinitigan ko lang si Juno tapos hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Second year high school palang ako nung magkakilala kame ni Juno. Nung mga oras nay un para kameng aso at pusa.

Wala talga magaakalang magiging kame! Sobrang sukang suka kame sa isa’t isa. Kahit ako hindi ko alam kung anong nangyari at naging kame. Buhay nga naman. Nung second anniversary namin, npansin ko na talaga na may problema itong si Juno.

Akala ko nga makikipaghiwalay na siya kasi sobrang kakaiba siya. Ayun na maya maya pa tinawag nya ko para mag-usap sa isang sulok. Mejo tahimik siya nung una tapos bigla niya akong niyakap. Yun pala kelangan naming magkahiwalay. Pinapunta siya ni tito sa Europe para mag-aral doon. 3 years din kameng magkakahiwalaay.

Mahal ko si Juno pero ayaoko naming maging harang sa mga gusto niyang gawin. Kaya nag-oo nalang ako. Well in fact pinalayas ko siya kasi ayaw talaga umalis. April 4 umalis si Juno. Isang madramang araw. Todo paalam at yakap namin ni Juno pero bandang huli nagcool-off naman kami. Usapan namin na habang malayo kami sa isa’t isa  puede kaming magkaroon ng ibang affairs. Weird talaga pero ok naman. 

11am ang flight ni Juno so mga 6am palang pumunta na siya sa airport. Nung unang month lagi pa kaameng ngchachat at tawag siya ng tawag pero habang tumataggal pabawas ng pabawas ang pag-uusap namin. Hanggang sa mejo nawawala na.

Pagdilat ko ng mga mata ko nakita kong lumabas ng banyo si Juno, naka boxers lang na black tapos nagpupunas ng buhok.

Pumasok siya closet sa room niya. May malaking closet kasi si Juno na namay sofa at malaking salamin pa sa loob parang department store lang sa dami ng damit at accessories.

After 5 minutes saka lumabas si Juno na naka stripes na polo at skinny na maong. Napnsin ata ni Juno nna nakatitig ako sa kanya.

Bigla niyang binato yung tuwalya niya sakin tapos sinabing “huy! Katakot yang tingin mo. Feeling ko may kasama akkong white lady na nakatitig sakin!” tapos tumawa siya. Eto naman ako bangag pa.

Umupo ako sa gilid ng kama habang pinapanood siyang ayusin ang buhok niya. Ngumiti nanaman si Juno sakin. Ako naman tulala parin. After niya mag-ayos umupo siya sa tabi ko.

Juno: huy! Ok ka lang ba?

Yssa: oo naman.

Juno: kanina ka pa nakatitig sa kin. Tapos kanina pinag-isipan mo pa ako na..hmm wala.

Yssa: (namula) hala! Sorry sorry. Yung binigay sayo ni anya. Di ba condom yun?

Juno: Condom!? Huh?

Yssa: yung binulsa mo.

Juno: ah eto. (may kinuha sa bulsa) ito ba?

Yssa: oo yan nga.

Juno: lasing ka ba?

Yssa: hindi

Juno: basahin mo nga to.

Yssa: Hydrite

Juno: yan ba ang condom? (tawa ng malakas) hindi maganda tiyan ko kahapon kaya eto nagpabili ako para kun sakali lang naman.

Yumuko lang ako.

Niyakap ako ni Juno. Naramdaman ko ang init ng yakap niya.

Nararamdaman ko yung hininga niya sa may batok ko at naaamoy ko yung laging pabango ni Juno. Bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko.

Naramdaman ni Juno yung pagtulo ng luha ko sa balikat niya. Bigla niya akong binitawan at tiningnan ako sa mata. Tinanong niya kung bakit at umiling lang ako.

Pinunasan ni Juno yung mga luha ko tapos hinawakan ko yung mga kamay niya. Hinalikan ko yung palad niya.

Nagsmile ako tapos sinabi kong “andito ka na nga talaga juno! My Juno is back!”

Ngumiti si Juno ang gwapo talaga! Dahan dahan niyang nilapit ang labi niya sa labi ko.

Namiss ko ang mga moment na to. Sana hindi na ulit mawala to. Ayoko nang malayo kay Juno!

Mr. Perfect (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon