Para kay JhingBautista

361 11 2
                                    

Hindi ko mawari kung anong sasabihin 

Dahil ayokong magkamali

Sa isang Jhing Bautista

Na mataray at magaling

Natatakot ako noong una sa'yo

Dahil baka ako ay mapuna mo

Sa pagsusulat ko sa MB mo

Kaya nanatili nalang akong silent reader mo

Una kong nabasa ang likha mong "The Girl who Never Said I Love You"

Naiyak ako sa istoryang iyon

Marami akong napulot na aral

Kaya nung araw na iyon nag- I love you ako kay Inay

Sunod kong binasa ang "My Thirty Day Plan"

At tulad ng inaasahan

Marami na naman akong napulot na aral

Kaya naman patuloy akong nagbasa ng iyong mga likha

Kinahumalingan ko din ang mga lalaki sa iyong mga istorya

Una si Kent, sumunod si Dani

Hanggang kay Toby at Rico na rin

At pati kay Dylan Marco na sana'y straight na lang.

Hindi man lahat ng gawa mo ay nabasa ko na

Panigurado akong lahat ng iyan ay mapupulot akong aral

Salamat po sa pagbabahagi ng mga likha

Dahil palagi akong may nakukuhang aral

Sana'y magustuhan mo din ang aking likha

Dahil alam kong isa ka ring manunula

Hindi pormal at propesyonal ang pagkakagawa

Ngunit lubos na respeto at paghanga sa'yo ay inaalay

----

[kabado pa din.]

Para Sa KanilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon