Chapter 5

465 16 17
                                    

A/N: I'm truly sorry for the super duper very late update.  Hope you enjoy this chapter and please comment and vote too. ^_____________^

_______________________________________________________

HYUIE's POV

I sighed.  Ilang linggo na rin ang nakalipas mula noong ilahad sa'min ng grandma ni Zel yung ready-made na kontrata niya.  Marami-rami ding items and nakalagay doon.  Kung hindi lang talaga praning ang matandang yon...

Palabas na ako ng campus namin nang marinig kong tinatawag ako ni Luna.  I stopped and turned to her.  Mukhang hindi maganda ang mood niya ah.  Hm...

"Hyuie..."  Hinabol niya muna ang kanyang hininga bago siya muling nagpatuloy.  "Totoo ba yung kumakalat na balita na lilipat ka na sa DU?"

So kalat na pala sa buong campus yon...  Actually, kamakailan ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na yon at hindi na ako nagulat nung sinabi sa'kin yon dahil kasama yon sa kontratang ginawa ng grandma ni Zel.

"Yeah."

"Araw-araw tayong magkasama pero wala ka man lang nabanggit tungkol doon..." may halong hinanakit na himutok niya.  "Bakit biglaan naman yata 'to?  I mean, graduating ka na.  Bakit ka pa lilipat ng school?"

"It's their will."  I was referring to my parents.

"Pero... paano ako?"

"Bibisitahin na lang kita."

Silence.

"Ayoko 'non." mahinang sambit niya.  "Kung aalis ka, sasama ako sa'yo."

"No."

"Bakit ayaw mo?  Ayaw mo na bang makasama ako?"

"Hindi sa ganoon."  

Kung hahayaan ko kasi siya, mababalewala lang ang objective ko sa pagpasok sa campus na 'to.

"Eh anong dahilan mo?  Dahil ba sa maraming lalaki doon?  Kung yun lang, eh kaya ko naman ang sarili ko.  At isa pa----"

"No."

"Hyuie naman!  Bestfriend mo ako kaya kung nasaan ka, dapat ay nandoon din ako."

"Eh di hindi na kita bestfriend.  Kaya wala ka ng dahilan pa para sumama sa'kin."

Saglit na natigilan si Luna.  Mayamaya'y napakagat-labi siya at tila iiyak anumang sandali mula ngayon.  Tsk.  Naman oh.

"Ganyan lang pala kadali sa'yong putulin ang ugnayan natin..."  She tried to stop herself from crying.  "Magkaganoon man, sasama pa rin ako sa'yo.  At wala ka ng magagawa para pigilan pa ako."

She called her... parents?  Probably.  Ang tigas talaga ng ulo niya.  Hay... like she said, wala na talaga akong magagawa pa once she already set her mind on something so I let her do what she wants.  Mayamaya din nama'y natapos na ang usapan nila.

"Ang parents ko na ang bahalang mag-asikaso sa papers ko.  Kaya't sa ayaw at sa gusto mo, doon na rin ako mag-aaral."

"Ok."  She gave me a confused look.

"Akala ko ba---?"

"Forget whatever I said earlier."  

At tuluyan na akong lumabas ng campus with her following me.

"Ibig sabihin, bff na ulit tayo?"

"Yah."

 Bigla niya akong niyakap mula sa likuran kaya muntikan na akong masubsob.

My Secret [CHAPTER 10 UPDATED]Where stories live. Discover now