Prologue

2.3K 26 14
                                    

9 years ago —It was Valentine's Day.

Sabi nila, dedicated daw yung araw na yun para sa dalawang taong nagmamahalan—may mga couple na nagcecelebrate, maybe having a date or picnic groove. Basta romantic. Masaya. Memorable.

Nung araw yun, hindi ko siya masyadong maintindihan. I guess kahit ngayon, hindi pa rin.

Tandang-tanda ko pa yung mga nangyari. Hawak ko ng mahigpit yung paintbrush ko. Yung mga mata ko, nakatitig sa canvas kung saan ko ipininta sina Papa at Mama. Hindi pa siya tapos kasi naubusan na ako ng red na acrylic paint. Pero excited akong ipakita yun sa kanila. "Ie-explain ko nalang na naubos na yung red." Naisip ko pa nun.

Pag bukas ko ng pintuan ng kwarto ko, saka ko lang namalayan na umuulan pala ng malakas. Tapos kadarating lang ni Papa. Nakatalikod siya nun sakin, sa pintuan ng kwarto ko. Si Mama naman, nakatulala kay Papa. Kasama niya rin yung lalaking laging naghahatid sa kanya pauwi. Lagi pa ngang binubulong nun ni Mama sakin na huwag ko daw yun babanggitin kay Papa.

Ang tahimik ng paligid. Bukod sa pagpatak ng ulan tsaka pagkulog, wala ka ng ibang maririnig.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihing nandun ako, na meron akong surprise for them. Napatingin nalang ako sa piece na ginawa ko —si Papa at si Mama na magkahawak ng kamay, Though kahit kelan di ko nakitang ginawa nila yun, sa tingin ko romantic yun. Ginagawa lagi ni Mama yun tsaka nung lalaki. Napaisip pa ako nun, baka pwede yun gawin ng kahit sino, Ginagawa din namin ni Papa yun eh.

Humakbang si Papa ng isang beses patalikod. Umiiling. Nanginginig. Hindi ko maintindihan nun kung anong nangyayari pero tumutulo yung mga luha ko.

"You heard me, right? I can't continue living like this."

Si Mama yung nagsalita.

"How about Ember?"

Pabulong na nasabi ni Papa yun. Umiiling si Mama. Tapos nun, napaluhod nalang si Papa. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ako makagalaw. Nabitawan ko pa nga yung paintbrush ko. Pangalan ko yun, paanong 'Paano ako?'

May binunot si Papa na bagay sa bulsa niya. Tapos tinutok niya sa noo niya. Pagkatapos nun, ang bilis na ng mga pangyayari. Next thing I knew's that hindi ko na kailangang i-explain kung bakit walang kulay yung ibang parte ng painting ko.

My piece was already covered with blood.

Blame it on Cupid (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon