Ad Infinitum

1.4K 46 14
                                    

Nung bata pa ako, tinatry ko talagang magbilang from 1 to kung ano mang number ang pinakadulo sa number chart. Bakit? Ang ABC naman may XYZ sa dulo. Ang Do Re Mi, may pausong La Ti Do sa dulo. Pero bakit ang mga numero wala? Kung sino man ang gumawa ng konsepto ng numero, bakit hindi ka naglagay ng katapusan? Aminin man kasi natin o hindi, lahat natatapos. Walang isang bagay na panghangbuhay na nangyayari. Lahat natatapos, lahat nababago. Kaya siguro ayaw na ayaw ko sa math eh. Bakit kasi ang mga numerong 'to, walang katapusan? Para namang ganun lang kadali yun. Nung bata kasi ako, nabuhay lang ako na ang mga numero ay hanggang isang daan lang. Walang lalabis, walang kukulang. Yun kasi ang itinuturo sa akin ng mga teacher ko nun. Pero hindi naman kasi nila sinabi na isang napakalaking infinite universe pala ang Math.

Biglang may kumatok sa pintuan namin. Natigil tuloy ang pagdadaydream ko sa bintana. Ang drama ko na kanina eh. Kaso panira 'tong kumatok.

"Good morning class," bati nung math teacher namin na pinaglihi ata kay jigglypuff. Nang hindi pa kami nakakabati pabalik sa kanya ng 'good morning', nagsalita agad sya, "Our topic for today is Solving and Graphing Linear Inequalities in Two Variables."

Napalunok ako. Patay, math na naman. "Sino dito ang may kaunting information tungkol sa ating topic?" Napatingin ako sa paligid ko. Tulog ata lahat ng nasa likod. Buti bulag ata teacher namin at hanggang unahan lang ang nasusupervise. Yung iba tulala, yung isa nagcecellphone na patago (halata naman), yung iba nachibog... pero itong nasa tabi ko, kakaiba. Sya lang ang nakataas ng kamay. Si Gio. Tinawag sya ni miss at tumayo naman sya at nagsalita.

Ako lang ba dito ang babaeng mas type ang matalino kesa bad boy? Yung mgulo nyang buhok na halatang nakagel. Yung salamin nyang pagkalaki-laki. Yung mabango nyang cologne na araw-araw na nyang ini-ispray. Yung plantsadong-plantsadong uniform nya. Yung braces nya. Yung mga ngiti nya. Sabi ng mga kaklase ko, ibang-iba ang taste ko.

Nang matapos sumagot, napatingin sya sakin, kasi tinititigan ko sya. Ang awkward, parang tumigil ang paligid ko. Nginitian ko sya. Tama ba yun? Kaya bago sya umupo, nginitian nya rin ako. Natutunaw na ako sa silya ko.

"May nagegets ka ba sa sinasabi ni Ma'am?" tanong ko. Pero as usual, walang sumagot sa tanong ko. Walang pakialam sakin 'tong nasa tabi ko eh. Parang basta na lang nabuhay. Kaya imbis na mapahiya ako, ako na lang din yung sumagot sa sarili ko sa mas mababang boses, "Wala nga eh, ikaw ba meron?"

Namumukha akong tanga pero okay lang. Bored lang talaga siguro tapos walang matinong kausap. Napaubob na lang ako at naghahandang magbeauty sleep. "Wala din akong maintindihan eh. Inaantok na kasi ako," sabi ko ng maalala kong nag-iwan nga pala ako ng tanong kanina sa sinabi ko. Napahikab ako at unti-unting bumibigat ang mga mata ko. "Ako din inaantok na ako," halos pabulol ko ng sinasabi sa sobrang antok ko na.

"Miss Ramirez!" sigaw nung teacher namin sa math kaya napatalon ako sa upuan ko: "Yes, ma'am?"

"Are you sleeping in my class?" Ito ang hirap kapag nasa unahan ka sa seating plan. Kaya ayokong nasa unahan eh. Pero kung hindi lng talaga dahil kay Gio, nako.

"No ma'am... I'm just, uhmm..." isip.. isip.. "...reciting my prayers na sana, magets ko na ang math!" Sorry, worst in palusot ako.

Napatingin ako sa mukha nung teacher namin, mukhang hindi sya nakumbinsi ng akong palusot powers: "Sige nga, kung nakikinig ka, ilang solutions ang meron sa isang linear inequalities in two variables?"

Napatingin ako sa mga kaklase ko, lahat sila nakatingin na sakin. Yung mga natutulog nagising. Yung mga kumakain, nakanganga na. Shet, hindi ko alam ang sagot. Pero ng napatingin ako sa katabi ko, may sinusulat sya sa notebook nya. Parang sa buong kase, sya lang ang hindi naktingin sakin. Yan pa, kulang sa inspiration. "Ano, Miss Catherine Ramirez? Hindi ka ba sasagot?" sabi nung teacher namin kaya naptingin ulit ako sa kanya, parang galit na galit na sya. Kaya wala na akong nagawa kung hindi mapatingin na lang ulit sa mga kaklase ko sa kahihiyan. Pero may humagip sa mga mata ko. Si Gio, may hawak-hawak na notebook na may naksulat na pentle pen. 'Zero or infinite.' Medyo magulo pa ang sulat nya nun pero basang-bassa ko naman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ad InfinitumWhere stories live. Discover now