Chapter 30

385K 5.6K 377
                                    

Yumiko POV

Umaga na naman at papasok na naman. Nakakatamad na.

Kagabi nga pala nakakahiya. Gosh. Nahuli kami ni Fancy in awkward position. Si Lance naman kasi. Sabi nya tutulog lang sya pero di naman natulog. Inakit lang ako. Aish. Kakahiya talaga kay Fancy. Buti maaga sya umalis kanina kasi may aayusin daw sa school.

At least di namin sya kasabay kumain ng breakfast kung hindi, raratratan na naman kami nun ni Lance.

Kakarating lang namin dito sa room ni Lance at James. Sabay kaming tatlo eh.

Napansin ko wala pa si Nicole. Kasi naman ang agad nun lagi tapos lagi pa sinasalubong si Lance. Psh.

Naupo na kami sa upuan namin. "Babe idlip lang ako."

Ang antukin talaga ni Lance. Maaga naman kami natulog kagabi. "Okay." Sagot ko.

Bored na naman ako. Si Chelsea busy. Parang may sinusulat pati si Adrian. Si Janna naman wala pa. Si James naman ayun naglalaro sa phone nya. Ang boring lang.

Krrriiinnnggggg!

Nagulat ako sa sarili kong ring tone. Kasi diko pala na-silent. I checked my phone kung sinong tumatawag.

Enrique calling..

Oh ayan na naman sya nagpaparamdam. Malalagot ako nito kay Lance eh.

"Sino ba yan? Ang ingay ng ring tone mo!"

Si Lance nagising. Sasagot pa sana ako kaso inagaw nya phone ko.

"Stop calling her!"

Sigaw ni Lance kay Enrique. Sinagot nya tawag eh.

"Damn you!"

Sige lang Lance. Ang harsh mo talaga.

"Wag na wag kang magpapakita sakin kung ayaw mong mabasag ang mukha mo!"

Galit na galit talaga si Lance?

Hinawakan ko sa braso si Lance. "Babe.." Bulong ko. Kasi naman.

"Wag mokong galitin gago ka!"

Di ako pinapansin. "Babe.."

"Damn you!"

Wala na pinatay na ni Lance yung tawag tapos ang sama ng tingin sakin.

"Lagi bang tumatawag ang gago na yun?"

Umiling ako. "No babe. Lagi mo naman ako kasama diba? Kahit sa mansyon, lagi tayong magkadikit?" Ano ba naman tong si Lance. Kulang na nga lang ikulong nya ako eh. Tapos tatanungin pako. Psh.

"Magpalit ka ng number."

"Di pwede." Sagot ko agad. Kasi di talaga pwede. Yun yung mga number na nakalagay sa lahat ng papers, pati mga contacts na importante.

"Bakit? Dahil sa Enrique na yun?" Hala. Galit itsura ni Lance.

"Hind---"

"Okay. Magpapalit tayo ng phone."

Seriously? Ano ba naman 'tong si Lance. "Pero.."

"What?"

Nakakatakot si Lance. Galit talaga itsura nya. "Okay." Napa-oo nalang ako. Baka lalo pa magalit. Aish.

Grabe si Lance. Dipa kami kasal nyan pero ang higpit na nya sakin masyado.

"Oh."

Inabot nya sakin phone nya. Tapos yung phone ko ayun sa kanya di na binalik sakin. Kinuha ko yung phone nya at diretso sa bag ko. Diko na tiningnan. Ano ba naman gagawin ko sa phone ni Lance. Psh.

Marry YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon