Chapter Twenty Five

17.9K 383 31
                                    

Musika's POV

"Nung nakaraang linggo ka pa malamig sakin, pansin ko lang. May problema na naman ba tayo?" Tanong ni Trystan.

Sasabihin? Hindi sasabihin?

Hindi sasabihin o sasabihin?

Oo o hindi? Musika! Ano na?!

"W-wala 'to---"

"Anong wala? Eh nanlalamig ka na sakin tapos sasabihin mong wala?" Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"Ano ngang meron? Sabihin mo naman kaagad, kin. Pinapalala mo naman yung sitwasyon eh..." Bumuntong-hininga siya. Hindi ako makapagsalita at nakayuko lang. Nakaupo kami sa kama niya ngayon. Gusto ko siyang yakapin pero nagdadalawang-isip ako dahil naalala ko yung nangyari samin.

"Ano ba? Ganito nalang ba tayo lagi? Mika, pagod ako. Pagod na pagod pa 'ko galing sa skwelahan tapos ganito pa mangyayari?"

Napatingin ako sa kanya.
"Pagod ka pala eh. Sana di mo nalang ako niyaya dito." Napahiga siya at tiningnan lang ako. Sumenyas naman siyang tumabi ako sa kanya.
"Ayoko."
"Ayaw mo nang katabi ako ngayon?"
Hindi ulit ako umimik.
"Mika," bumangon siya at tinabi ang buhok kong nakaharang. "Ano nga kasinf problema?" Hahalikan niya na sana ako sa pisngi pero umilag ako.

"Trystan, please. Naiilang ako."
Napatigil siya at tumayo. Lumuhod siya para tingnan ang mukha ko.
"Naiilang ka na ba dahil sa nangyari?"
Tumango lang ako.

"Mika--- hindi ko sinasadya yung---"
"Ba't mo ginawa?"
Napapansin kong kabado na siya.
"Kasi lalaki ako at---" hindi ko na siya pinatapos. "Ginawa mo lang ba yun kasi naturn-on ka?"

Sana hindi.

sana hindi...

"Syempre---"
Ah. Okay.
"Syempre?" Di ako makapaniwala.
"Mahal na mahal kita, okay? If-- If alam mo na, kung sakali man. Hinding-hindi kita papabayaan. Pananagutan kita, Musika. Alam mo 'yan." Hindi ako makapagsalita. Nakayuko lang ako.

"Ginusto naman nating pareho yun, diba?"

Ginusto ko nga ba? Oo.
Kasi yun rin ang nararamdaman ko.
"Trystan..."
"Ano?"
Hinawakan niya ang pisngi ko.
"Hinihintay ko ang period ko. Tsaka sinabi ko kila Joyce--"
"What?!" Napapikit siya at umupo.
"Sana hindi mo muna sinabi. Ayoko namang makadamay ng tao, kin."
"They're my friends, okay? Akala mo ba madali lang para saking isarili ang ganitong bagay? Kin, uuwi na rin si Papa this week. Nadagdagan pa lalo ang problema ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko...."

"Hindi kita iiwan, okay? Handa akong harapin ang consequences, Mika. Basta kasama kita." Napasandal ako sa balikat niya at umiyak.

"Kailan ba dapat first day mo? May stock na PT si Mama sa kwarto niya. I'll try to sneak in. Mas safe pag dito mo gamitin."
"Bukas dapat. Naka mark sa calendar ko yung date eh. Pag wala raw bukas, after a week daw akong mag PT sabi nila Joyce. Med students naman sila kaya alam nila."

"I'm so sorry, Musika. I'm sorry kung ang daming problemang dumadating satin." Napaisip ako sa sinabi niya...

Hindi kaya... di talaga kami para sa isa't-isa?

"I promise, hindi kita iiwan. Haharapin ko lahat para sayo, Mika. Mahal na mahal kita. Please, be strong... For us."
Ibinaon ko ang ulo kay Trystan dahil hindi ko na napigilang umiyak.

"Kinakabahan talaga ako, Trystan. You haven't seen Papa kung pano siya magalit. At si Mama, masasaktan siya pag nangyari yun... Malaki ang tiwala niya satin. All this time, lagi niya tayong pinagtatanggol kila Papa at Kuya..."

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon