HINDI NGA PALA TAYO

421 28 48
                                    

Hindi ko na pupunahin ang suot mo na kay ikli

Damit mong kulang sa tela't minadali ang pagtahi

Maging ang 'yong nangingintab, namumulang mga labi

Hindi na bibigyang pansin, di na mababanggit muli...

Hindi ka na aawayin dahil gabi na umuwi

Hindi ko na kikilanlin mga kaibigang napili

Pagkat ang yong 'sinasagot, sino akong nawiwili

At lagi nang nagbabawal sa kilos mo't mga gawi.

Bakit nga ba sa isip ko ay lagi nang nawawaglit

Na hindi nga pala tayo, bakit ako nagpipilit

Mahal kita, mahal kita, pinanganak ka bang manhid?

Kailan mo ba mapapansin akong sayo'y umiibig?

Waaah. Ayoko na tong ituloy!!!

Ayoko nang ituloy pero dugtong ako ng dugtong.. haha

Sa nagvote.. salamat.

Comment na rin para makita ko kung sino na ang nakabasa.. hehe..

HINDI NGA PALA TAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon