Chapter Six (Part Two)

1K 11 4
                                    

(Daniel's POV)

*FLASHBACK

Papunta na ako kina Ms. Sungit, este kina Kath. Naglalakad ako, nakabulsa ang dalawang kamay at nakataas ang ulo. Suot ko? Black t-shirt na naka fold yung dulo ng sleeves, naka black jeans and Vans shoes. Well, ganito talaga ko pumorma. Simple pero may dating ;)

Habang naglalakad, nakito ko si.. Zharm! Anong ginagawa nya dito? Umiwas ako at tumalikod para di niya ko makita pero di nagwork

"Daniel!! Long time no see! Musta? Kamusta kayo ni Julia?" Pagbati nito habang nakatalikod ako at naglalakad palayo. Ughhh bakit ba siya nandito. Di naman siya dito nakatira. sinubukan ko siyang wag pansin pero sinusundan niya ko.

"Zharm. Ayoko ng gulo. Wala na kami ni Julia." Sabi ko sabay harap sa kanya pero di siya agad nagsalita. Yun lang yung naisip kong palusot naka sakaling tigilan niya ko.

"Oh. I just wanna say sorry for everything. Friends?" Ano na naman ba tong pinaplano neto.

"Sure. I really got to go. Bye." Nagmadali akong naglakad papalayo sa kanya pero sinundan pa rin niya ko eh.

"Anu ba, Zharm. Diba sabi ko, okay na? Ano pang kailangan mo?" tinitigan lang niya ko. Suace ano ba kasing problema neto. I'm sure manggugulo na naman 'to. "Zharm?!" Napasigaw na ko.

"Ang ganda ng porma mo ah. Saan ka ba pupunta? Sama naman ako oh." Ang lakas talaga ng tama nitong babaeng 'to.

"Di ka na nasanay. Tsaka ano bang pakielam mo kung saan ako pupunta ha?" "Ang sungit mo naman. Kala ko ba bati na tayo?" Parang bata! tsk.

"Bahala ka nga diyan." Umalis na ko't nagpatuloy maglakad papunta kina Kath.

END OF FLASHBACK*

Pagdating ko kila Kath, nakabukas ang pinto kaya pumasok na lang ako. Naabutan ko silang nagtatawanan. Ang ganda ni Kath ngayon! Ngayon lang. Joke. I'm sure inayusan siya ni Julia.

"Masyado naman yata kayong masaya?" Sabi ko tapos bigla silang tumigil tumawa.

"Pwedeng kumatok o mag doorbell. Di yung basta basta ka na lang papasok dito." Sabi ni Ms. Sungit. Tinaasan pa ko ng kilay huh.

"Sorry po. Nakabukas kasi yung pinto kaya dumiretso na lang ako." Pagpapaliwanag ko. Nubayan

"Anyway, Sino yan?" Tanong ni Kath. Sino yung tinutukoy nya?

"Sino?" Tanong ko sa kanya. Sino ba kasi??

"Hay nako. Yang kasama mo oh." Sagot niya. Tumingin ako sa tabi ko, tumingin din ako sa likod ko, nandun si Zharm! OMG. Buong akala ko, tinigilan na niya ko. Pero sinundan parin pala niya ako. Nag death stare ako kay Zharm, yung anong-ginagawa-mo-dito look. Ughhh

"Yan si Zharm." Bulong ni Julia kay Kath pero narinig ko. Tapos nagnod na lang si Kath.

You Were Just A Dream (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon