Part Two

5.9K 130 9
                                    

Part Two..

KINAUMAGAHAN maaga siyang pumunta ulit ng ilog para doon ipahinga ang kaisipan, halos hindi na siya nakatulog sa kakaisip dahilan tila buhol buhol na nagkakagulo kung ano ang gagawin niya sa biglaang pagpapasya ng kaniyang Ama. Nakaupo at nakatingin siya sa hindi kalayuan ng abutan siya ng kaniyang kaibigan sa ganoon ang posisyon. Si Lhira.

"Tumawag ako sa inyo wala ka," mabilis siyang napalingon, "Kaya naisip kong puntahan ka dito. Oh! Tingin ka d'yan? Gaga! Umpisahan muna kayang mag kuwento. Ano bang problema at naguguluhan ako sa ikinuwento mo kahapon. Totoo ba?" mahabang usal nito matapos naupo ito sa gilid na kinauupuan niya.

Hindi pa 'man siya nag uumpisa nangilid na ang luha sa dalawang mata niya hanggang kusang tumango siya sa kaibigan, "Magpapakasal na talaga ako bakla." Nanginginig na boses ang pinkawalan niya.

"Sure kana ba? Hindi na ba masusolusyunan 'yan?" mababang boses na sagot nito.

"Hindi na siguro wala naman akong magagawa," walang lingon pa rin niyang sabi habang ang luha ay diretsyang pumapatak sa paanan niya.

Matagal silang nagkuwentuhan ng kaibigan. Nagpalitan sila ng opinion pero doon parin ang bagsak niya. Ang pagpayag niyang magpakasal sa intsik dahil wala silang magagawa ni Lhira, wala silang pera na ganoon kalaki para pambayad sa intsik na kinauutangan ng Tatay niya. Bigo s'ya kaya tanging yakap lang ang naibigay, ni Lhira sa kaniya.

Kinagabihan habang nasa harapan sila ng hapag kainan, gulat siyang kinompronta ng kaniyang Ama sa oras na iyon at siyang ikinagulat niya.

"Alexa darating si Mr: Kim Yin Chu ngayon. Maging maayos ka sa pananalita dahil ipakikilala kita. Siguro naman nakita muna 'yon dahil minsan nagpunta na 'yon dito." nakatitig lamang siya rito ng tumango siya, "Alexa makipag usap ka ng maayos!  Ayokong mapapahiya ako sa tao! At kung hindi ,lagot ka sa 'kin bata ka!" banta nito sa malaking boses.

"O-p-po 'Tay." payag niya kahit labag sa kalooban.

"Oh s'ya, magbihis kana. Magpalit kanya ng damit mo at nangangamoy kang ulam!" biglang utos nito.

Napabaling ang tingin niya sa tumunog na cellphone nito.  At hindi siya nagkakamling ang intsik iyon, "Nagtext na si Mr: Chu paparating na daw siya. Hala! Bilis! Tayu at magpalit kana!" Tila asong utos nito sa kaniya.

Tanging napatingin lang ang kaniyang ina at si bunso sa kaniya. Kung saagot ito tiyak alam na nila ang mangyayare.

Mabilis na lumipas ang minuto. Dumating ang intsik at mabilis naman pinagbuksan ng kaniyang Ama. Samantalang siya sinisilip niya ang mga ito sa nakatabing na kurtina.

Tanging napapalunok na lamang si Alexa sa nakikita dahil kung doon siya maikakasal sigurado pisak siya sa katabaan ng intsik na iyon dahil treplihin ang katawan nito sa katabaan.

"Sir tuloy po kayo." dinig niyang wika ng kaniyang Ama sa bagong dating.

"Ayaw ko tuloy! Gusto ko bayad ikaw utang!" asik ng intsik kasabay ng pag taas nito ng salamin na suot.

"Sir relax, maupo ka muna at may sasabihin ako," ganadong sabi ng kaniyang Ama.

Sumunod naman ang intsik at nilinga- linga ang paningin sa bawat paligid habang siya'y nakasilip pa rin.

"Naaalala mo pa ba ang anak 'kong dalaga na si Alexa?" napalunok siya. Tila hindi siya nito anak, tila ibang tao siya na ganoon kadali sa pagpapasya nito. Hindi napigilan  nanubig ang dalawang mata niya.

"Yung maganda at sexy? Bakit bigay mo ba akin o babayad kana utang? Akina peya. Akina.." sabay lahad nito ng palad sa harapan ng kaniyang Ama.

"Ikaw naman.. Sandali tatawagin ko lang ang anak ko." At ngumiti ito na tila ba nanalo sa lotto.

Run Away Bride (Edited) Completed ❤Where stories live. Discover now