2: His Personality

220K 5.1K 330
                                    

[A/N: Huwag ma-nosebleed. Kapag may na-mislook akong detalye. Paki-point out para ma-double check ko. Hehe. Salamat sa mga naghihintay.]



"Follow me. I'll show you the laboratory." Tipid na saad ni Vance nang pumasok si Thea sa opisina nito.

After days of meditating she finally decided to accept the job offer. Maganda kasi ang benefit package at ito rin ang pinakamalaki at respetadong pharmaceutical laboratory sa bansa. She is more than sure they also have a state-of-the-art laboratory. Gaya ng sa ibang bansa kung saan siya nagtrabaho.

Tahimik lang ang lalaki habang naglalakad. She was a bit puzzled by his silence. It was different from the Vance she encountered the last time.

Tahimik na lang din siyang sumunod nang pumasok ito sa elevator.

Base sa research niya, walang ibang company address ang pharmaceutical company kundi sa mismong building ng mga Filan kaya hindi na siya nagtanong pa nang makitang paakyat sa top floor ang elevator kung saan sila nakalulan.

Napakunot-noo siya nang lumabas sila sa mismong rooftop. It's not a laboratory but a helipad. She was more than startled when Vance stepped towards the helicopter. Ngumiti at bahagyang yumuko ang lalaking nakatayo malapit doon bago naglakad papuntang elevator. Nilagpasan lang siya ng lalaki. Sinundan niya ito ng tingin. Napalingon lang siya nang marinig ang pagtikhim ni Vance.

"Let's go?" aya nito. Naguguluhan man ay napatango na lang siya. Inalalayan siya nitong makapuwesto sa cockpit area.

It wasn't her first time to ride in a chopper. Her father once had one when she was younger. Hindi nga lang naalagaan kaya binenta na lang.

Natigilan pa yata si Vance nang makitang nakaayos na siya nang sumakay ito sa tabi niya. Pero hindi ito nagsalita. Gusto niyang itanong kung saan ang lab na tinutukoy nito pero hindi na ito nagsalita. He immediately put his seatbelt and headset then, turned on the throttle. He adjusted the collective and pushed the pedal.

Marunong talaga ang binatang magmaniobra ng helicopter kaya nakahinga siya ng maluwag. A moment later they are already leaving the ground.



______

Lumapag sila sa isang isla. Hindi niya alam kung saang banda na sila ng Luzon.

Nahiya siyang magtanong. Hindi rin kasi nagsasalita ang lalaking kasama niya.

Parang pangkaraniwang island resort lang naman ang isla. May mga two-floor cottages, may parang pinaka-main hotel na mas malaki kaysa sa cottages na two-floor din at may restaurant. Ang kaibahan lang wala masyadong tao. May nakita lang siyang ilang tao na pumapasok sa restaurant ng resort pero mukhang mga empleyado lang naman ang mga iyon dahil naka-uniform.

"Let's eat first. I'm starving." Saad ni Vance bago naunang naglakad papunta sa restaurant. She was right. Puro employees lang talaga ang nandoon.

Kinabahan tuloy siya. Para kasing ghost island ang pinuntahan nila. Idagdag pa ang tinging ipinupukol sa kanya ng mga empleyado sa loob ng restaurant. Pero ang guwapo naman nitong multo na nasa unahan niya kung sakali.

Binati si Vance ng mga empleyado pagpasok nila. Manager pa ang nag-asikaso sa kanila.

She didn't speak when he ordered food. Hindi rin naman siya tinanong.

Inilabas niya ang phone. Nagpasalamat siya nang makitang may signal naman ito. At dahil hindi nagsasalita ang kaharap niya, hinanap na lang niya sa internet ang lugar kung nasaan sila. Alam niyang papuntang west ang direksyon nila kaya tiningnan niya sa arial view kung saan ang pinakamalapit na isla sa Bataan pero wala siyang makita. Even the map of the Philippines didn't show any island nearby.

The Empire Series 3: Vance Luanne SilenceDove le storie prendono vita. Scoprilo ora