Chapter 1: The Encounter (edited)

4.4K 58 7
  • Dedicated kay lollipopceline, jhamie, JoanneIsInlove04,
                                    

Chapter 1: The Encounter

Third Person's POV

Habang naglalakad siya sa hallway sinitsitan siya "Hoy, Psst. Angel"

Napatigil si Angel sa paglalakad kasama ang mga kaibigan niya para kausapin ang tumawag sa kanya. "Oh?" sagot niya sa kausap.

"May laban daw mamaya sa HBG, face-off ng dalawang sinasabing malakas na gang. Ang sabi pa nila ung isa raw sa maglalaban na gang ay taga - rito sa school natin. Kilala mo ba sila?" Tanong ng kausap sa kanya. Nagkatinginan naman ang mga magkakaibigan, "Hindi".

Muling binalingan ni Angel ang kanyang mga kaibigan, tanda ng pagpunta nila sa sinasabing laban.

FACE OFF OF THE TWO STRONGEST GANGS IN HBG. Pagpasok pa lang sa loob ng HBG yan agad ang iyong makikita. Isang malaking tarpaulin na nagsasaad na may labanang magaganap ngayong araw na ito. 

(Celine's POV) a.k.a Angel

Ugh, ang daming tao. Well di ko naman sila masisi, isa sa pinakamagandang laban ata ang magaganap ngayon dito sa HBG, o mas kilala sa tawag na Hell's Battle Ground. Kaya ang daming tao ngayon kasi for sure mga nagpupustahan na naman sila kung sino ang mananalo.

Teka, teka, teka, asan na ba ang mga yon? Ang tatagal nila ha? Anong oras na ba? Ugh kahit kelan talaga ang mga yon. Parang alam ko na kung nasaan sila.

Hinanap ng mga mata ko ang kanina ko pa inaantay at ayun nga sila, hindi ako nagkakamali ng hinala. Nagpupustahan na naman sila kung sinong mananalo. At talagang hindi nila ako sinali ang unfair nila.

"Oh kinakalimutan nyo ata ako? Kanina ko pa kayo hinahanap" sabi ko with matching pout.

"Ikaw ang kaya ang nawawala diyan. Tsk, oh saan ka pupusta? Kaming lahat nakapusta na ikaw na lang ang hindi. Pusta ka na dali girl para may thrill."

Pinag - isipan kong mabuti kung kanino pupusta. Aba sayang kaya kapag natalo ako rito no.  "Hmmm, dun ako sa Dark Demon Assassins."

Narinig ko ang tawa ng isa sa mga kaibigan ko. "Hahahahaha for sure talo yan." Wagas lang makatawa teh? Parang wala ng bukas e. Binatukan ko nga para tumigil. "Aray ko, masakit yun ha"

"Ako pa ba tinatanong mo? Sige pusta ko isa sa mga islets ko." Kala nila ha? Sigurado akong mananalo ang manok ko ngayon.

Nagsitalunan naman ang mga bruha, "Payag kami jan!"  at talagang sabay - sabay dapat? Ano ito sabayang pagbigkas? Hahahaha

Dumakdak na sila ng dumakdak kung anong gagawin nila sa islet na ipinusta ko. Ang iingay nila parati. Makapunta na nga lang sa aking mahiwagang upuan.

Ay teka, nagtataka ba kayo? Ay sarreh naman daw hahaha, ako kasi ang nagtayo ng HBG. Oh diba sosyal ko.

Nilingon kong muli ang mga babaitang ito at dadak pa rin sila ng dadak. "Guys tara na sa headquarters, to have a perfect view."

Bigla namang nagtwinkle ang mga mata nila.  Hay naku alam ko na gagawin nila. AS always naman e. "Tara at baka may gwapo dun, ahihihihi"

..

BORING

Spell boring, B - O - R - I - N - G        

Alam niyo kung bakit? Nakakainis, walang kwenta naman yung laban, sayang lang ang ipinusta ko rito, ugh. Gusto ko ung may action, ung may thrill. Pero ngayon? Wala, wala man lang excitement ang laban. "Yun na ba yun??" I asked them with my sarcastic voice. Nakakairita na kasi e.

Napatingin naman sila sa akin. Sabay - sabay na naman dapat? "Nope. They are just having their warm up! I guess?"

Warm up lang daw un, pero ugh naiinip na talaga ako. "Ang tagal naman. You guys know that ayokong pinaghihintay ako at ayoko ng isang boring na laban"

"Take it easy girl wala pa kasi leader nila."

Ano? Wala pa raw ung leader nila? Ugh naiinis na ako to the nth power. "Is he special to have that kind of treatment? " I said in an irritated tone.

"Just watch and see. Oh look there he is!" Lahat kame napatingin sa taong dumating. Ang so - called leader "daw" nila.  Di ko sya masyado kita. Naka shades siya, black bonnet, black tight pants, with matching black leather jacket. Cool nyang tingnan pero he looks kinda familiar....

Nakita ko na ba siya? Parang oo e, pero di ko maalala kung saan. Stupid brain. Hindi ko talaga maalala. Nah! Never mind sumasakit lang ulo ko.

"Ui Angel, bakit ka tulala?" Kinulbit naman ako ng isa sa mga girls.

I just shrugged my shoulders, "Wala. Let's watch! I wanna claim my prizes."

"Asa pa." They murmured.

Bumulong pa sila rinig ko rin naman. Wag na nga lang sila pansinin. That guy, he keeps on bothering me. He really looks like him. He reminds me of the gang leader that I bet.

But he really looks familiar.

By Chance, gangsters inlove?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon