CHAPTER 113: Yakap

7.5K 73 25
                                    

ADDITIONAL CHARACTER:
** DF = Daddy Ferdie
** MN = Mommy Nicole

Kung alam ko lang na ngayong araw ko makikilala ang Daddy ni Ken, edi sana nakapag-ayos ako. Nakakahiya naman sa future Daddy -in-law ko! Ano na lang ang magiging first impression niya sa magiging future Daughter-in-law niya diba?!

Ay joke lang. Nababaliw na ako kaya kung ano ano na naman pinagsasasabi ko.

Sa itsura pa lang ng Daddy ni Ken, alam mo ng Chinese siya. Ang liit ng mata niya at medyo mataas na din ang hairline niya. Pero kahit na matanda na siya, maganda pa din yung built ng katawan niya. Wala siyang beer belly eh. At may katangkaran din. Ang puti puti niya. Ang ganda ng kutis! Nahiya naman ako sa mga pimples ko. -_- Ang gwapo ng tatay ni Ken. Actually, kung mapapansin mo, para lang siyang pinatanda na Ken. Nakuha ni Ken yung physical features ng Dad niya. Kaya lumaki ding magandang lalaki si Ken..

So ibig din ba sabihin nun, pag tumanda si Ken, tataas din ang hairline niya? Mehehehe I can't imagine na makakalbo na siya --,

DF: so, ikaw pala ang tinutukoy ni Sam sa amin na girlfriend ni Ken.
G: ay, eh, hindi po. Hindi po ako yun. Hindi po ako girlfriend ni Ken..

Shemay! Nakakakaba! Kausap ko ngayon yung Daddy ni Ken. Biglaan! No. Actually, hindi biglaan. Nawala lang talaga sa isip ko! Dahil masyado akong feel at home dito sa bahay nina Ken, nawala sa isip ko na nandito nga pala ngayon yung parents niya >_<

At wish ko lang na ako yung GF ni Ken no? Kahit na lagi niya akong inaapi at pinipikon, nandoon pa din yung wishful thinking na sana ako na lang yung GF niya. Ahahaha -_-

SOPHIE: but Kuya Prince likes her, and Ate Princess likes Kuya Prince too!
DF: oh, really? Is that true Sophie Dear?
SOPHIE: yes Daddy! I saw how Kuya Prince laughed when she saw Ate Princess!!
G: ehe. >_<

Taena, anong irereact ko? Hindi naman ako pwedeng basta-bastang makakapag-bigay ng violent reaction kasi Daddy ni Ken itong kausap ko. >_<

Anak, wag ka na munang magulo jan at ginugulo mo na naman Daddy mo.
SOPHIE: no Mommy, I'm not! Behave po ako. Diba Ate Princess?

Lumapit sa amin yung magandang babae. Nag-pat ito sa ulo ni Sophie at nag-kiss naman sa kaniya ang mala-manika niyang anak.

DF: ah, Princess,
G: ay, hindi po Princess ang pangalan ko po. Grace po.
DF: ahh, akala ko "Princess" ang pangalan mo dahil iyon ang ipinakilala sa akin ni Sophie.
SOPHIE: but Daddy, she's Ate Princess, too! Princess, kasi girlfriend siya ni Kuya Prince!
G: Ehehehe *kamot ulo*

Natawa na lang ako sa sinasabi ni Sophie eh. Ang kulit kasi niya. Pinipilit niya na ako yung "girlfriend" ni Ken.. eh hindi naman talaga. Wish ko lang diba?

DF: pasensya ka na sa anak ko ha? Minsan talaga makulit siya.
G: ay, okay lang po yun! Sanay na din po ako. Mas pasaway pa nga po sa kaniya si Ken.
DF: ah, ganun ba? Ahahahaha!

Woah, magkamukhang magkamukha sila ni Ken pag tumatawa! Nawawala din ang mata. Carbon copy!

DF: mukhang close kayo nung anak ko ah.
G: ay, hindi naman po. Sakto lang. Hehe

Sakto lang. Sakto lang para gawin niya akong Personal Servant niya sa buong college life ko lang naman. Sakto lang para magkanda-gulogulo ang buhay ko. Sakto lang din para mairita ako sa araw araw na nabubuhay ako dahil sa pagka-retarded ng ugali niya. Sakto lang talaga.

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon