update i -

14 1 0
                                    

"Baaaaaaaaaaby!" Tawag sa akin ni Kim at nung lumingon ako, tinusok niya yung ilong ko. Oo, sa butas ng ilong ko pinasok niya yung daliri niya. -__-  Ang abnormal diba? Ang abnormal ng girlfriend ko, pero kahit na ganon. Mahal na mahal ko 'to. 

"Baliw ka talaga kahit kailan" Sabi ko sa kanya, at nginitian niya lang ako. Ang ganda talaga ng ngiti niya, lalo na yung mga mata niya.

"Oo, baliw ako. Baliw na baliw sayo." Tapos tumawa siya at kinurot niya yung pisngi ko. Aba! Nakakailan na tong babaeng to ha? --.--

Kukurutin ko na sana siya, ng bigla siyang nawala. As in.. unti unting nag fafade siya sa harap ko. Bakit? 

Bakit? Bakit gan

Napabangon ako sa pagkakahiga. Si Kim.. hanggang sa panaginip ko, iniwan ako. Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking mga mata. I know this is gay but.. hayaan niyo muna ako. Ilang linggo lang ang nakakaraan noong iwan ako ng taong mahal ko.

Oo, iniwan ako ni Kim. Akala ko, akala ko kasi kami talaga sa isa't isa. Akala ko hindi niya ko iiwan. Akala ko, forever na kami. Pero mali pala ako. Maraming namamatay sa maling akala, at isa na ko doon. Pakiramdam ko, namatay ako. Iniwan ako nung taong mahal na mahal ko. 

Tatlong taon kaming magkarelasyon kaya naging malaking parte siya ng buhay ko. Kaya nung iniwan niya ko, yung other half ko, nawala. Para bang nawalan ako ng inspirasyon sa buhay. Noong araw na nakipaghiwalay siya sa akin. Yun yung araw na pakiramdam ko, patay ako pero humihinga ako. Pakiramdam ko, empty ako. 

"Hoy. Sabi ko kung pwede ko bang kainin 'tong pancit canton sa ref?" Sabi ni Tristan. 

Bumalik ako sa wisyo at tinanguan lang siya. Si Tristan? Tropa ko yan. Gago yan e, basta basta nalang napasok sa condo ko. -.-

"Silver, tulala ka na naman. Tangna pre, BH ka padin?" Pang aasar ni Tristan habang niluluto yung pancit canton.

"Pwede ba, tigilan mo 'ko." Kinuha ko ang remote ng TV at nanood na lang ako. Ayoko talaga na inaasar nila akong BH. BH na kung BH. E masakit naman talaga e. Kahit gwapo nasasaktan din oy.

"Balita ko, laging kasama ni Kim yung.. ano ngang pangalan non? Ah yung basta yung gwapo din? Sabi sa school boyfriend daw?" Napalingon ako sa kanya.

1..

2..

3..

Ouch. Boyfriend? Bakit hindi ko sila nakikita? Pinagpalit na ba ako agad? Wala pang tatlong buwan nakahanap na kagad siya ng bago? Tangina. 

"T-talaga? Good for her. Nakamove on na pala siya e."

Umupo si Tristan sa tabi ko at nanood din siya ng TV. Walang imikan kaming dalawa. Ang bading naman kung maguusap kami nito lagi diba? Parehas kaming lalaki, pero syempre mas lamang ako sa kanya. 

Ako kaya? Kailan ako mag momove on? Kaya ko ba? Kaya ko bang ilet-go yung feelings ko para sa kanya? Ilang linggo ko na din siyang hindi nakikita. Miss na miss ko na siya.

To think, wala pa kaming closure. Tapos, mababalitaan ko ganito? Hanggang kailan ba ako masasaktan nang dahil sa kanya? 

---

Wala po itong plot so.. kung ano lang maisip ko, yun lang tinatype ko. Sana hindi magulo. :) 

@mnthng ;

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon