Chapter 16 : Best Friends

22 0 5
                                    

Lumipas ang araw. Wala na si Emerson. Wala ka na din. Hindi na naulit 'yung pagpunta mo sa bahay. Napangiti na lang ako sa sarili ko.

Tanga ko talaga.

Bakit ba ako maniniwala na nagbago ka na? Teka, wala ka namang sinabi na nagbago ka eh. Ako naman 'tong si tanga, feelingera.

Galing mo talaga bestfriend.

Hanga ako sa'yo.

Pinaramdam mo na naman sa akin 'yung sakit.

Umalis ako ng bahay at naglakad sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Hindi na talaga nagbago, pumunta ako ng 7eleven. Papalamig? People watching? Makabili ng din ng mga dapat bilhin.

Pagpasok ko, ang lamig. Ngumiti sa akin 'yung lalake sa cashier. Nagtaka naman ako nang naglakad siya papalapit sa akin.

"Hi ma'am, gusto niyo po?" May iniabot siyang parang mp3 player. Umiling lang ako dahil hindi ko naman kailangan.

"For free po ito. Eto po, itry niyo po dun sa upuan na 'yun" Itinuro niya 'yung kaisa isang upuan na walang nakaupo at mapaglaro nga naman ang tadhana, bigla kong naalala.

Yun 'yung inupuan mo dati nung nagkita tayo sa 7eleven nung 1st year highschool.

Kinuha ko 'yung mp3 pati na rin 'yung headset, paalis na sana ako ng bigla akong pigilan nung lalake.

"Ito po tissue" Napatingin lang ako sa kanya na may pagtataka. Tinaasan ko siya ng kilay pero nginitian niya lang ako.

"Incase" Kinuha ko na lang 'yung tissue at naupo na dun sa upuan. Pagkaupong pagkaupo ko, nagsialisan 'yung mga tao sa tabi ko, as in nagsialisan 'yung mga tao. Napataas 'yung kilay ko at napaamoy ng kaunti sa sarili ko, di naman ako mabaho.

Hinayaan ko na lang 'yun. Inilapag ko 'yung tissue sa lamesa at binuksan ko 'yung mp3. Ang tagal magload pero nung nag open na, may title na 'press play' na kanta 'yung andito kaya napangiti ako.

Kalokohan.

Pinress ko ang play button dahil masunurin ako at biglang may kumanta.

When I see your smile

Tears run down my face

I can't replace

And now that I'm stronger I've figured out

Lumakas bigla ang kabog ng puso ko. Alam ko, alam ko 'tong kantang 'to. Favorite song natin 'to. Nag instrumentals, humina 'yung song at kinilabutan ako nang may marinig ako.

"Ahem, hi. Ako nga pala...si Earl"

How this world turns cold

And breaks through my soul

And I know, I'll find deep inside me

I can be the one

Boses mo.

My Best Friends (on-- hold)Where stories live. Discover now