Ikaw na nga

1K 10 2
                                    

Isang bagay na hindi makakamptan ng aking sarili,

Ang pag-ibig na kanilang sinasabi.

Puno ng sakit ang aking puso,

Tuluyan na nga bang naging bato?

Nagpadalos-dalos sa pagmamahal,

Sumuko din nang masakal.

Akala ko'y wala ng pag-asa

Ngunit dumating ka at nagdala ng ligaya.

Hindi na dapat iibig pa

Sapagkat ako'y sumuko na.

Ngunit sa ligaya na dala mo,

Ay nahulog ako sayo.

Nalaman ko na ako'y mahal mo din

Kaya't ako ay muling natakot sa dilim.

Hindi kaya ako ay muling masaktan?

Pero alam kong hindi mo ito kayang gampanan.

Ikaw lang ang nakakaintindi,

Ikaw lang din ang makakapagsabi.

Na ako ay mahal mo,

At natatakot na mawala ako.

Ikaw na kaya ang hinahanap kong saya?

Sana ay ikaw na nga,

Dahil sobrang iniibig kita.

Live ItWhere stories live. Discover now