Chapter 2: Maggie's Past

1 0 0
                                    

ANGELICA'S POV

Nang maka uwi na ko, agad akong umupo sa sofa at nagpahinga saglit. Nagulat ako dahil biglang may nag salita.

"Musta 1st day?" Tanong ni Kuya Magg. Himala ambait niya.

"Ok lang kuya." Mahinahong tugon ko.

"Nakita mo si Seika?" Sabi na nga ba eh. Si ate Seika at kuya Magg noon. 2 years na sila kaso nag hiwalay din dahil sa pag babago ni kuya. Aaminin ko na gwapo si kuya with brains at manners pa noon. Tropa din nito dati sina Seonn. Dun kami nagkakilala nung kumag na yun pati rin yung mga iba nilang Tropa. Lagi kasi akong inaasar ni Seonn.

"Hindi kuya, Si Seonn lang." Sabi ko at tumango tango lang siya.

"Sus crush mo lang si Ate Aquira, Kuya Mark!"

"Hoy hindi ah!"

"Oo kaya! Ang sweet mo kaya sakanya!" Pagtatalo nila Mac at Mark habang papasok sa bahay.

"Sinong may crush?" Seryosong tanong ni Kuya Magg sa dalwa na naka pasok na.

"S-si kuya Mark po kuya Maggie." Turo ni Mac.

"Mag aral muna kayo bago kayo lumandi!" Sigaw na sabi kuya Magg. Napa ngisi naman si Mark.

"Nag salita ang magaling" sabi ni Mark at sinanggi si kuya Magg. Sa inis kwinelyuhan ni Kuya Magg si Mark.

"Ano gusto mong palabasin ha!?" Inis na tanong ni Kiuya Magg. Sinusubukan naming awitin silang dalwa kaso mas malakas sila.

"Anong nangyayari dito!?" Sigaw ni nanay ng madatnan kami ng ganoong posisyon kaya nag hiwalay sila. Kung hindi dumating si nanay, sigurado akong nagsuntukan ma sila.

"Yung anak niyo kasi puro landi ang inaatupag!" Turo ni kiya Magg kay Mark.

"Ako!? Wow ha! Sa pagkaka alam ko nagkaroon ka ng Girlfriend at 4th year ka din non!"

"Hindi porket nagkaroon ako ng GF nung 4th year ako gagayahin mo na ko! At mahal ko siya! Mahal na mahal!" Mangiyak ngiyak na sigaw ni Kuya.

"You don't know how we love each other. You don't know how we treasure our selves." Dagdag ni kuya na ngayon ay iyak na ng iyak.

"Bakit mo siya iniwan?" Tanong ni nanay.

"Why? Ayaw samin ng mundo. Ayaw sakin ng mga magulang niya. Langit siya, lupa ako.Mayaman siya, mahirap ako."

"Ayan ba kuya ang dahilan kung bakit ka naging sutil?" Tanong ko at tumango lang siya.

"How immature. Pati pag aaral mo dinamay mo. Ang gulo mo kuya." Sabi ni Mark at pumasok sa kwarto nilang tatlo.

"Mark, anak." Susundan sana ni nanay si Mark pero pinigilan ko siya.

"Nay, ako na po." Mahinahong sabi ko at pumasok sa kwarto nila.

"Ate? Bat ka andito?" tanong niya ng makatayo siya sa taas ng double deck, sa baba naman niya ay si Mac at sa isang single bed ay si Kuya Maggie.

"Gusto ko lang sana kita kausapin." Sabi ko ng maka upo ako sa taas ng kama niya.

"Tungkol kay Kuya Maggie? Ate, sawang sawa na ko umintindi."

"Mahal mo ba si kuya Magg?" Tanong ko.

"Opo, kapatid natin siya e." sagot niya.

"Kung mahal mo ang isang tao handa kang umintindi at mag sakripisyo. Kuya mo palang yan, pano pa kaya kung yung Aquira na yan." Seryoso pero pabirong sabi ko at ngumiti.

"Tama ka ate sa una mong sinabi at sa huli ay hindi. Wala akong gusto dun sa Aquira na yun." Sabi miya at nag pout.

"Sus. Halata namang kinikilig ka." Panunukso ko pa sakanya.

I Will Never Be Your'sWhere stories live. Discover now