Chapter 7

54 2 2
                                    

Chapter 7

Nagbasa-basa naman kami pagdating namin ng library. Di pa rin dumadating yung Cyrus. Itong si Yas, di naman mapakali. Nahahawa tuloy ako.

Pinuntahan naman kami ng librarian at binigay yung ibang book na kailangan daw naming basahin, alam kasi nila na kami yung lalaban para sa quiz bee.

"Pinapasabi na rin pala ni Ms. Laresma na di na daw makakapunta si Cyrus Antonio sa review session, bukas niyo na lang daw siya i-meet."

Nakita ko naman na na-disappoint si Yas. Nako, pati rin ata ako. Sayang naman.

***

Tuesday morning, nakareceive na ako ng message from Clarence. Nandoon na daw siya sa Hawaii, hindi raw siya nakapagsabi agad kasi may pinuntahan agad sila ni Ate Claret pagkarating na pagkarating niya doon.

Atleast diba, hindi na ako maga-alala? Sa weekend na lang daw kami mag-chat kasi may aasikasuhin pa daw niya yung schooling niya doon.

Anyway, pagdating ko naman sa school, nakasalubong ko pa sila Christian and Yasmin. Binati ko naman sabi ko pa kitakits after class.

Daily na nga yung review session namin e. Every after class yun, so di ko makakasabay umuwi sila Candice and Elisha, sila Christian and Yas naman e may mga school service, si Clarence ayun nasa Hawaii, so ako lang talaga mag-isa ang uuwi. Ang lungkot naman nun.

Pagkatapos kaming i-dismiss e sumabay sa akin si Candice papuntang library, dadaan kasi siya ng AVR para i-abot yung article niya para sa journal ng school. Si Elisha naman nauna ng umuwi, may aasikasuhin daw.

Pagdating ko sa library, nandoon na sila Christian at Yasmin, nahiya naman ako, ako yung pinakamatanda, ako pa yung late. Pero nakita kong dalawa palang sila doon, so meaning, hindi ako yung pinaka-late, yung pinaka-matanda pala! Hahaha!

"Ate, wala pa rin si Kuya Cyrus." Bungad naman sa akin ni Yas.

"Ate, kanina pa yan Cyrus ng Cyrus, di pa yan nagbabasa ng matino."Sumbong naman ni Christian.

Natawa naman ako, di kaya naaalibadbaran na si Christian sa kaka-Cyrus nitong si Yas? Ako kasi medyo.

"Wag mo ng pansinin yang si Yas, Christian, mamaya matatahimik na yan dahil dadating na yung crush niya."Umupo naman ako sa tabi satapat nila. Magkatabi kasi silang dalawa e,

Lumapit ulit si Ms. Librarian sa amin.

"Pupuntahan daw kayo ni Ms. Laresma dito mamaya."

"Talaga Ate? Aattend na ng review si Kuya Cyrus?"bumulong naman sa akin si Yas pagkaalis nung librarian.

"E diba sabi ni Ms. Laresma ngayon daw natin siya imi-meet? Magbasa ka na dyan at baka matulala ka mamaya at lalong di ka makapagreview."

"Ate naman e.." Halata namang kinilig si Yas sa sinabi ko.

"Sige, kukuha muna ako ng book na babasahin, pag tayo nakita ni Miss na nagkkwentuhan lang, papagalitan tayo nun."

Tumayo naman ako para kumuha nga ng book. Nakita ko yung history of Chemistry. Kinuha ko na yun at babalik na sana ako sa table namin.

Kaso...

"OUCH!!!"

May bumangga sa akin!

Nahulog tuloy yung Chemistry book na hawak ko. Hindi lang pala yun, muntik pa akong matumba. Ang lakas ng pagkakabangga sa akin ah! Masakit yun! Bakit naman kasi may tumatakbo sa loob ng library! Ms. Librarian, nasaan ka ba?!?

Tinignan ko naman yung nakabangga sa akin, buti na lang huminto. Akala ko mabibiktima ako ng hit and run e,

"Kailangan ba laging pinagtatagpo mga landas natin ah?"

Nakakainis! Siya na naman?!?!

"Kung may choice lang din naman ako, sana di ikaw ang nabangga ko!"

Aba't!!! Ang kapal talaga!

Tumakbo naman siya palayo.

"Hoy! Di ka man lang ba magso-sorry ha?"

"What's happening in here Miss? Sumisigaw ka na naman sa library."

Lumapit naman sa akin yung librarian.

"Ma'am, may lalaki po na tumatakbo dito kanina, nabangga ako. Tas ako pa papagalitan niyo?" Wow ah? Di niya ba nakita yung lalaking yun?

"Watch your words Miss. Bumalik ka na sa table niyo or else papalabasin kita ng library." Nagalit naman sa akin yung librarian.

This is not so good! Napagalitan na naman ako ng librarian for the second time around. And what's worse? It's for the same reason...

Si Marasigan..

Kainis!!!!!!

***

Pinulot ko naman yung librong nahulog ko at padabog na bumalik sa table namin.

Oh sheesh. Masyado nga atang malakas ang pagkakabangga sa akin at parang namamalikmata ako.

"Cyrus, akala ko hindi mo na naman sisiputin yung review session natin e." nandoon na si Ms. Laresma.

Nandoon din yung pesteng Marasigan na yun.

Teka.. Siya ba yung kinakausap ni Miss??

"Kanina pa nga ako dito Miss e, diba diba?" kinikindatan naman niya sila Christian at Yas.

"Ahm, opo Miss! Kanina pa dito si Kuya Cyrus."Sabi naman ni Yas.

What the?!?! Anong kanina pa? E kababangga niya lang sa akin ah?

"Okay, that's great. So, nasaan na nga pala si Ms. Banzuelo?"

"Miss, I'm over here!" Nagtaas pa ako ng kamay nun. Lumapit na rin naman ako sa table. Tama, si Marasigan nga yung kinakausap ni Ms. Laresma kanina.

Tinignan naman ako nung Marasigan. It's more of a cold glare actually.

"So, kumpleto na kayo. Makakapagstart na kayo ng maayos."

This must be a joke.

Si Marasigan yung 4th year representative? Akala ko ba Cyrus Antonio yung pangalan?

"Excuse me Miss? Siya po yung sa 4th year?"tinuro ko naman si Marasigan.

"Oo Ate. Siya nga yun!"ang lapad pa ng ngiti ni Yas upon saying that.

"Ahm, okay there must be a misunderstanding here. Akala ko po ba Cyrus Antonio yung name ng senior rep natin?"Napapakamot na ako sa ulo. Ano ba, naguguluhan na talaga ako!!!

"Yeah, siya nga yun Ms. Banzuelo."

Okay, laugh, that's a joke!

Tinignan ko naman si Marasigan. He smirked at tumayo naman.

"Hi Ms. Banzuelo!"May emphasis talaga yung Ms. Banzuelo niya. "Ako nga pala si Cyrus Antonio...

....Marasigan."

Can I still laugh?

Accidental EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon