Chapter 11

5.7K 88 29
                                    

POV: Diana Maureen Navarro

"Siya yung kahapon diba? Yung nagsisigaw sa backstage kasama ni Kr" sabi nung isang girl.

"Yup, si Diana ba yun? Ang alam ko, target yan ni Methane" bigla naman akong kinabahan, anong target? O.o

"So anong plano mo na girl?" si Lyca yan, nandito kami sa canteen, vacant namin. Kanina pa akong nakakarinig ng rumors about me and about what happened yesterday.

"Hindi ko din alam" saka kami kumuha ng seat sa canteen.

Matapos lahat ng nangyari kahapon, hindi ko alam.

Hindi nga dapat ako papasok, lakasan na lang ng loob.

Si Krypton nga hindi pumasok. Ayun, si Methane after ng welcome event niya kahapon, ipinakilala na siya sa amin kanina, kaklase pala namin siya. OMG lang.

"Girl, girl, nandiyan sina Methane" si Lyca pa din yan, wala kasi si Niobe, Class B yun, hindi namin kaklase.

Papunta si Methane sa seat namin. Kasama niya sina Francium at Berrylium

Oh Myyy, not on this day.

"Excuse me lang" si Methane yan

"Oh bakit?" si Lyca yan, sila yung nag-uusap

Halos karamihan sa canteen sa amin nakatingin.

Gulo na naman ba ito? Please no.

Napaiyak na nga ako kahapon coz I don't know what to do and what and how to react sa lahat ng nangyari tapos may extended scene pa ata ngayon.

"Wala na kasing maupuan, umalis nga kayo diyan" dirediretso siya, nagulat naman si Lyca sa sinabi niya

"WOW HA" yan na lang nasabi ni Lyca, WOW nga naman.

"Any problem with that?!" nagtataray na naman siya.

"Meron" cold yung pagkakasabi ni Lyca diyan, cold na mataray

"And what's the problem with that?! Nangangalay ako kaya umalis na kayo diyan! Pag di kayo umalis, isusumbong ko kayo kay Daddy!" si Methane yan

"Eh di magsumbong ka, sumbungera, hindi kami aalis dito, umayos ka nga Methane, upuan lang 'to, don't make a scene here, madaming upuan sa room, kung wala ka ng maupuan dito wag mo ng ipagsiksikan sarili mo, mahirap sumiksik sa lugar na masikip" si Lyca pa din yan, taray

"Sa gusto ko sa pwestong yan! Tandaan mo, anak ako ng may-ari nitong school so I can do what I want!" bratt nga pala talaga 'tong si Methane, ginamit pa yung pagiging anak ng may-ari ng school mapaalis lang kami sa canteen

Medyo naiiyamot na talaga si Lyca.

"Tandaan mo din, anak din ako ng may-ari ng school, wag mo yung gawing dahilan, sige aalis kami, kawawa ka naman kasi, baka makaiyak ka" saka tumingin sakin si Lyca and nagsign ng "alis-na-tayo-" look.

Tumayo na din ako, dala ko yung food ko

"Oh yan na ang upuan mo, lamunin mo" napalunok ako dun sa sinabi ni Lyca, masyadong HARD.

Napatingin na tuloy talaga lahat sa amin.

Umalis na kami sa canteen, sa room na lang siguro kami kakain.

My Krypton Knight [EDITING]Where stories live. Discover now