Chapter 04- Chinito

13.2K 383 55
                                    

*LIGHT'S POV*

"LIGHT, sorry talaga. Hindi ko na napigilan, eh. Ako na mag ma-mop ng wiwi ko."

Kita ko ang pagkapahiya sa mukha ni Winona nang tingnan ko siya. Inis na sinagot ko siya. "Wala nang magagawa ang sorry mo, Winona! Tingnan mo ang ginawa mo. Nakakahiya ka! Kailan ka ba talaga matututo, ha?!" at nagpatuloy ako sa pag-mop ng ihi niya na nasa sahig.

Nakakainis siya! Para siyang bata. Pati ba naman pag-ihi niya ay hindi pa niya kayang pigilan?

"Ako na gagawa niyan," aniya. Aagawin niya sana ang mop pero iniwas ko iyon.

"Ako na, pwede? Baka kung anong katangahan pa ang gawin mo!" bulyaw ko sa kanya.

Biglang dumating sina Phoem at kasama nito si Maxie. Mukhang best of friends na agad ang dalawa. Nakita nila ang ginagawa ko at ang basang palda ni Winona kaya naman malakas na tumawa si Phoem. "Ha ha ha! So funny!"

Nakitawa na rin si Maxie. "Ha ha ha! Oo nga. So funny! Teka, ano bang nakakatawa?"

Tss. Tumatawa nang 'di alam ang pinagtatawanan.

Sinuntok ni Phoem si Maxie sa dibdib. "Gagang bakla! Look, umihi si Winona. Ha ha ha!"

"Ay, oo nga! Ha ha ha!"

Nakakuha ng atensiyon ng ibang estudyante ang pagtawa na iyon ng dalawa kaya naman marami ang nakiusyoso. Hiyang-hiya si Winona habang pinagtatawanan siya ng mga classmates namin.

Sasawayin ko sana sila nang biglang isang lalaki ang pumasok. Singkit siya at maputi. "Huwag niyong pagtawanan ang prinsesa ko kung ayaw niyong pagtatadyakan ko kayo sa mukha!" maangas nitong sigaw.

Teka, sino naman ito? At sino ang tinutukoy nitong prinsesa? Si Winona?

- - - - -

Stupid You, Stupid MeWhere stories live. Discover now