TJB 02

330K 4.3K 198
                                    

Chapter Two

“Ba’t hindi mo subukan na mag-bakasyon kasama ang kaibigan mo na si Max, Ice?” suhesyon ni dad sa akin. I didn’t bother to look at him, mas pinagtuunan ko ng pansin ang mga paper works na nasa kamay ko.

 “Dad, wala akong oras para diyan. I have a lots of thing to do than leisuring especially now bumababa ang sales ngayon buwan.”

Narinig ko siyang bumuntong hininga. “Ako na ang bahala niyan tsaka hindi ka naman namin pinipressure nang mommy mo sa trabaho. Why don’t you be like your friends? May asawa na si Joe at si Max naman ay may social life while you in the other hand ay puro trabaho ang inatupag.”

 “I love my work, dad. And stop comparing me to my friends. Iba sila kaysa sa akin.” Binaba ko ang paper work ko at sa wakas ay nilingon ko na din. “tsaka matanda naman iyon sa akin kaya wala akong problema kung maunahan man nila ako o hindi.”

Isang buwan na ang nakalipas ng maikasal ang best friend kong si Joe at isang buwan na din ng may nangyari sa amin ni Felix. At so far, successful ang pag-iwas ko sa kanya. Anyway, noong nakabalik na din ang mag-asawa galing sa honeymoon nila ay parati ako nila iniimbita na magdinner sa kanilang bahay ngunit parati ko silang tinatanggihan para hindi magkrus ang landas namin ng lalaking iyon.

Naka-move on na din ako sa nangyari. Ang pinapasalamat ko na lang ay hindi ako nabuntis ng lalaking iyon. Kahit na lasing naman siya hindi naman siguro makakalimutan na maglagay ng protection hindi ba?

Matiim na tiningnan ng ako ni daddy, mukhang hindi siya nasiyahan sa sagot ko.

“Ano ba ang dapat kong gawin sa'yo bata ka? Hala, hindi ako makakapayag na magburo ka dito sa office! Wether you like it or not ay kailangan mo magbakasyon. Huwag kang mag-alala dahil habang wala ka ay ako ang mamahala pansamantala ngayon.”

“B-but—“ Usually, I would just refuse, however, kapag seryoso na ang hitsura nang papa ko ay 'din a ako makatanggi sa gusto niya.

 “No buts, young lady, you’re already twenty four and still single. Hindi naman kita pinipilit na magkaroon ng boyfriend o asawa pero at least ay bigyan mo naman ng oras ang sarili mo. Aba, hindi na kita nakikita na naglalaro ng mga psp o online games.”

I rolled my eyes. “I’m not young anymore tsaka high school pa ako niyon no’ng naglaro ako ng games. Oh siya, para naman hindi mo na ako kukulitin mag-file na ako ng leave bukas.” Sukat ng sabihin ko iyon ay umaliwalas ang mukha niya at hindi na rin siya nagtagal sa office ko at umalis na. Nang makaalis na si Daddy ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Joermiana.

“Hey bessy!”

“O?”

“Siguro naman hindi ka na busy…” Napapailing na lang ako sa kanya dahil alam ko kung saan hahantong ang usapan namin. Matagal na niyang inuungot na mag-dinner ako sa kanilang bahay.

“Nope, hindi na ako busy.”

“Hay salamat naman! Iimbitahin kita na mag-dinner dito sa bahay namin at huwag kang magpalusot dahil—“

The Jerk's Babies! (COMPLETED+SAMPLE ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon