TPFP - CHAPTER 17 -THE GUNSHOTS

1.3K 30 4
                                    

 KELLY’S P.O.V

Then gunshots were heard. *BANG* *BANG*

“QUINCY!!!”

“KELLY!!!”

Sa nanlalabong paningin nakita ko siya.

Nakayakap din siya kay Quincy.

Ito ba ang sinasabi niyang delikado sa buhay ni Quincy?

Nginitian niya ako.

At iyon ang huling natatandaan ko.

PRESENT TIME - KELLY’S P.O.V

Unti-unti akong nagmulat ng mga mata.

“ Eomma, please don’t cry. I’m fine”

Si mama, hawak ang kamay ko at umiiyak.

“ Nasasabi mo pa iyan ng may benda sa balikat mo? Don’t ever do that again lady. You scared the hell out of me” –Eomma Kally

“Ara-so Eomma. Mianhe” (Ok. Mama. Sorry)

*knock knock*

Si Kenny may dalang prutas.

“Gising ka na pala. Nagugutom ka na ba?” –Kenny

Iniiwas niya sa akin ang mata niya.

“Ken, hindi mo kasalanan. Ok lang ako, wag mong sisihin ang sarili mo”

Tinignan niya ako. Nakita ko sa mga mata niya ang guilt at pag-aalala.

“I’m ok little bro, don’t worry. Masamang damo ako.”

Ngumiti na siya. Ayaw kong nakikitang malungkot ang kakambal ko. At hindi niya dapat sisihin ang sarili niya sa nangyari. Choice ko na iligtas si Quincy.

Ginulo niya ang buhok ko.

“Si Quincy? Ok lang ba si Stacey?”

Nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya. Mula sa pag-aalala nandun din ang galit.

“Ok lang sila. Wag mu munang intindihin yun ang mahalaga mag palakas ka.” –Kenny

May tinatago siya sa akin pero ayoko na din muna malaman. Kailangan ko munang sumunod sa kanya ngayon para kahit paano hindi niya sisisihin ang sarili niya sa nangyari sa akin.

“Sila Daddy? Si kuya Kenjo at kuya Kenji? Alam na ba nila?”

“Alam na nila Kuya at hindi pa alam ni Daddy dahil may malaki siyang business appointment na ngayon ang presentation. Ayaw naming ipaalam muna.” –Kenny

“Yun pala. *yawn* Kwentuhan mo pa ako Kenny. Ilang araw ba akong tulog?”

“Matulog ka na ulit. Isang araw ka lang naman nakatulog. Sleep, Princess” –Kenny

Kinumutan niya ako at pinapat ang ulo ko.

“Hindi ako aso.”

“Matulog ka na. Wag ka ng makulit” –Kenny

At sa nanlalabong mata nakita ko si Kenny na nakangiti.

I really love my twin brother.

KENNY’S P.O.V

“Eomma, umuwi po muna kayo. Ligtas na po siya. Kailangan niyo ding magpahinga. Ako nap o munang bahala sa kanya”

“Mabuti pa nga. Naiistress ako sa kakambal mo. Mauna na ako anak. Ikamusta mo na lang ako kay Quincy” –Eomma Kally

THE POKER-FACE PRINCESS (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon