Chapter1-Wala ng libre ngayon

56.3K 675 54
                                    

Joanna's POV

Hi! My name is Joanna Mae Martinez, 17 years old, half Filipina and Koreana. Mayroon akong isang cute little brother na si Mike Martinez. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon pero hindi halata, bukod sa kadahilanang maganda ako at panget ito, isa pang dahilan ay walang hustisyang tangkad nito sakin. Isn't it amazing na yung dating tutoy ay mas matangkad pa sayo ngayon?  Minsan nga napagkakamalang kambal ko ito dahil magkamukhang magkamuha DAW kami kaya kapag sinasabi niyang gwapo sya, hala, OO na lang! =___________=

Hindi kami magkaparehas ng ugali, dahil binuhay ata ito para maging kasalungat ko! Ang pamilya namin ay naninirahan ngayon sa Korea, karamihan kasi nang business ng pamilya Maritnez ay nandito kaya pinili ng mga magulang namin na dito na lang manirahan sa ayaw o sa gusto man namin ni Mike. Simula ng lumipat kami dito five years ago, hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang kagustuhan kong bumalik sa Pinas. Hindi sa hindi maganda sa Korea, mas pakiramdam ko lang ay sa Pilipinas ang tunay kong tahanan. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil parang may kulang, para bang lagi na lang may nawawala sakin simula ng dito na kami manirahan.

Simula nang hindi ako mapagbigyan ng mga magulang ko na sa Pilipinas na lang kami manirahan ay natuto akong magrebelde sa kanila, pumasok ako sa isang Gang group, madali akong nakasali dahil dati na rin naman akong gangster, kami ng bestfriend ko. Ang nag-iisang lalaki at taong hindi ko pa natalo sa buong buhay ko! Para sakin siya ang pinaka matindi kong karibal. Naiinis ako dahil kahit kalian hindi ko pa siya natalo, maraming beses ko na itong  hinamon noon pero kahit kailan ay hindi pa ako nanalo.

Muli akong nakaramdam ng lungkot, sa tuwing maaalala ko ang bwiset na iyon nagkakaganito na ako. Medyo na-miss ko nanaman tuloy yung pangit na yon, naalala ko tuloy nung last day na nagkasama kami at nagpaalam ako dito, iyakan ang mokong! Syempre pati ako napaiyak na rin, nakakahawa ang pangit na yon eh! Nakakamiss din palang matalo, isa pa yon sa kinaiinisan ko, never pa kasi akong natalo sa lahat ng labanan ko dito. Hindi ko alam kung lumakas lang talaga ako o talaga mahihina lang yung nakakalaban ko. Tss. Sabi ng iba ang lamig-lamig ko daw tingnan, para daw akong walang puso, ang una kasing napupuna sakin ay yung cold eyes ko na namana ko sa aking butihing Ina. =________=

*Knock . knock . knock*

"Mam, kakain na po." Rinig kong sabi nung katulong namin, marunong itong magtagalog dahil Half Filipino/Chinese naman ito. Halos lahat ng katulong na mayroon sa bahay namin ay mga Plipino din o half Filipino, ayaw kasi ni Papa na hindi Pilipino ang makasama nya sa bahay o walang lahing Pilipino.

"Okay." simpleng sagot ko.

"Good evening, Mam Joanna." Tumungo pa ang mga ito bilang paggaling sakin. Ganito sila sinanay ni Papa, gusto kasi nitong igalang kami ng lahat nang nandito sa bahay. Sa halip na bumati ay dire-diretso na akong pumunta sa Dining table at umupo. Katulad ng inaasahan, wala ang parents ko, mukhang may pinuntahan nanaman sila. Si Mike kaya?

"Si Mike?" tanong ko sa isang katulong na naghahanda ng pagkain.

"I'm here. Good Evening, Ate!" masayang bati nito sakin.

Napataas naman ang kilay ko, himala ata ah. Nandito pa ito sa bahay, samantalang gabi na? Nakakalito ba? Baliktad kasi ang utak ng nilalang na yan, ang umaga sa kanya ay gabi ang gabi naman ay umaga. Gets? Bahala kayo kung hindi nyo gets.

Mukhang alam ko na kung bakit sya nandito, siguro wala na itong mahanap na babaeng mapaglalaruan? Napailing ako, imposible yon, baka naman wala itong laban ngayong gabi? Katulad ko ay Gangster din ito. Teka, maaari kayang...

"Anong malaking kasalanan ang nagawa mo?" tanong ko, napatigil naman ito sa pagsubo ng pagkain at namutla. Masyado naman itong halataan. =__________=

MY BESTFRIEND IS A GANGSTER (AVAILABLE NOW IN DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon