Amusement Park ft. Rilakkuma

32 2 2
                                    

Do you know the feeling when you love someone but that someone doesn't love you back?

It hurts right?

Sounds cliché but it's the reality.

"Oh Renz, kunin mo na." Inabot naman sa akin yung gagamitin ko para sa trabaho ko dito sa amusement park.

I nodded tsaka ako nagpasalamat.

Yup, I'm a working student.

Tumingin ako sa paligid ko.

Carousel. Ferris Wheel. Roller Coaster. Bump Cars. Arcades. At iba't-ibang rides, it brings back all the memories.

It was last school year. Tandang-tanda ko lahat ng iyon.

"Hoy Renz! Please tama na! Hahahahaha!" Tumatakbong sabi ni Hannie. Kaibigan ko.

Hinahabol ko kasi siya para kilitiin. "Ble! Ngayong nalaman ko na kung saan ang weakest spot ng kiliti mo, kailangan kitang kilitiin!" Sa leeg pala kasi ang kiliti niya.

Nandito kami ngayon sa amusement park three blocks away from our school. Nakasanayan na namin ang tumambay dito after school ends. Hang-out place na rin namin to.

Patuloy ko pa rin siyang hinahabol hanggang sa nahuli ko siya. Tawa lang kami ng tawa. Hindi ko naman siya kikilitiin. Yayakapin ko lang naman kasi siya.

And ayun, finally nayakap ko siya. I can smell her signature scent ever since we were freshmen, stawberry.

We're juniors now and mag-classmates na kami ni Hannie simula mag-start ng high school kaya sobrang close na namin. Until I found out within myself that I've fell in love with her.

But the thing is, she loves someone else.

I just shook that thought away. Seniors na kami pero dahil nga sa sobrang busy namin hindi na kami nakakapunta dito sa amusement park.

I don't know pero nung isang araw na makita ko ang maliit na poster na nakapaskil sa poste ng bahay namin na nagsasabi ng:

WANTED: AN AMUSEMENT PARK WORKER

Hindi na ako nag-hesitate na kunin iyon since kailangan kong matutong maging independent and at the same time nandoon lahat ng masasayang ala-ala ko na kasama si Hannie. Isa pa, naaalala ko si Hannie kapag nandito ako.

Sinuot ko na ang costume ko. Bear. Rilakkuma. Yes, I work here as a mascot.

-*-*-*-*-*-

Weeks passed, nakarinig ako ng usap-usapan sa room namin about Hannie. Of course, I am curious.

After kong marinig yung balita, parang binuhusan ako ng malamig na tubig. She is in a relationship with Dan.

The guy whom she loves.

I kept my cool. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko sila nakikitang magkasama with my own eyes.

May pag-asa pa ako... right?

-*-*-*-*-*-

Dumiretso na ako sa amusement park para magtrabaho. Ilang oras nalang ay magsasara na ito since hanggang 7 PM lang ang amusement park na ito and school ends at 4 PM.

Thirty minutes to go at makakauwi na rin ako. Yan lang ang nasa isip ko nang may lumapit sa akin para magpa-picture.

Hindi bata ang magpa-picture. Si Dan ang nakita ko.

May tinawag naman siya and my eyes widened nang marinig ko ang pangalan niya. "Hannie! Halika na, magpapa-picture pa tayo dito sa Bear, diba gusto mo to?" Sht.

Amusement Park ft. Rilakkuma | #Wattys2016Where stories live. Discover now