Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

▪ 3 ▪

94.8K 2.2K 125
                                    

Baka

"Hindi pwede," deretso kong sagot.

"What? Why?" sunod-sunod niyang tanong.

Hinarap ko siya at tiningnan nang masama.

"At bakit hindi? Pangalan ko 'to at ayaw kong pamigay, wala ka nang pakialam doon," saad ko.

Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya pero hindi ko na 'yon pinansin pa. Baka pag tiningnan ko pa siya nang matagal ay makalimutan ko na hindi basta-basta ang kaharap ko.

Isang lalaking hindi kailangan ng gayuma para mapa-ibig ang mga babae sa paligid niya... nakatatakot.

Bumaling ako kina Raffie at Kelly na mukhang litong-lito sa mga nangyayari.

"Tara na," saad ko.

"Hah? Oo... sige," ani Raffie at siya mismo ang humila kay Kelly.

Tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"I'll get it! Mark my words!" rinig kong habol ng Uno na 'yon.

"Subukan mo," I hissed.

Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa at mas binilisan ko ang paglakad ko. Hinayaan ko lang sina Raffie at Kelly na sumunod. Dumeretso na lang ako sa cafeteria ng hospital, mas maganda kung doon na lang kakain. At least hindi gaanong mahal, hindi rin malayo kay nanay.

Tuloy-tuloy lamang ako sa paglalakad, halos makalimutan kong may mga kasama pala ako. Nakaiinis naman kasi! Limang taon ang lumipas pero napaka-isip bata pa rin ng lalaking 'yon! Nakaiinis talaga siya! Hindi dahil mayaman siya, agad niyang makukuha lahat.

May mga bagay na dapat pinaghihirapan din.

"Evie!"

"Evangeline!"

"Bes, ano ba! Kami na ang mag-o-order. Alam naman namin na wala kang pera. Itong babaeng 'to!" Doon lamang ako natigil sa paglalakad.

Napabuntong-hininga ako.

"Nakahihiya naman..."

Kita ko ang sabay na pagkunot ng mga kilay nila.

"Nahiya ka pa!" natatawang wika ni Raffie.

Wala sa sariling napangiti ako. Inabot ni Kelly ang kamay ko at hinawakan 'yon.

"Kami na ang bahala. Upo ka na muna," ani Kelly.

Tumango ako at tinuro ang isang table sa hindi kalayuan. Tumango sila kaya roon ako tumuloy. Umupo ako sa isa sa mga upuan doon at sandaling pumikit. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod mula sa biyahe, pati na rin ang gutom.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong cafeteria. Nandito na talaga ako sa Pilipinas. Nakatatawa lang na hindi ko inakalang ito ang rason ko sa pagbabalik ko. Ang usapan namin ni nanay dati, pag bumalik ako... 'yon ang hudyat na asensado na kami at hindi ko na kailangan pang magtrabaho sa ibang lugar.

Pero... sadyang mapaglaro ang tadhana.

"Hay nako. Lutang na naman siya."

Napangiwi ako sa komento ni Raffie.

"Hindi naman," depensa ko.

Umupo sila sa harapan ko at nilahad sa akin ang binili nilang isang bowl ng sinigang at isang pinggan ng kanin. Agad naman lumapit ang isang lalaki na sigurado akong isang staff. Binigyan kami ng tatlong baso at tatlong bote ng coke.

Inalis ko muna ang salamin ko at tinago 'yon.

"Teka, girl. Alam ko masamang maging tsismosa pero, paano mo nakilala si Sir Uno?"

MONTGOMERY 5 : Waiting For SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon