Chapter 4

35.1K 686 100
                                    

Quick update lang kaya maikli TToTT

sorry na talaga. subukan kong maging regular ulit ang update dito. mekekekeke. iniwan na talaga ako ng mga nagbabasa nitong PMW TToTT pero ayos lang muahahahaha. at least hindi ko kelangan mag update nang magupdate muahahahahahahaha.

Chapter 4

 

“Pretty.” Kumikinang pa ang mga mata ni Shin nang sabihin niya iyon saakin. Nilapitan ko ang anak ko at saka inabot ang laruan niyang nahulog mula sa kama. Nakuha niya ang mga mata ko. May dimples din siya at alam kong hindi na niya ito namana sa pamilya namin.

“Huwag magulo. Okay? Huwag mong pahirapan ang lola habang wala ako.”

“dada where?”

“Daddy went home baby.” Paliwanag ko sakanya habang inaayos ang nagulo niyang damit.

Gabi na rin at kailangan na niyang matulog. Ayaw ko naman siyang isama sa party dahil mapapagod lang siya at isa pa baka husgahan lang siya ng mga tao doon. Bata pa siya masyado para dalhin sa mga party kina papa.

“Call dada!” Buti nalang at pumasok na si mama sa kwarto ko. Palibhasa spoiled siya kay Zydn kaya siya ang lagi nitong hinahanap. Ilang beses ko na rin naman kasing sinabi sakanyang huwag niya masyadong binibigyan ng kahit ano.

“Alis na ako ma.”

“Mag-ingat ka. Huwag kang masyadong magmaldita.” Inirapan ko nalang si mama at saka umalis na. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay mahal pa niya si papa. Iniwan siya nito kaya dapat hindi na niya tinutulungan si papa na mapalapit pa ako sa pamilya niya. Mababait sila pero hindi ibig sabihin ay gusto ko na ang pamilya nila. At hindi dahil unti-unti na nila akong natatanggap ay aabusuhin ko na sila.

‘Nagpunta ka ba?’ Isang text galing kay Zydn ang natanggap ko.

‘worried?’ sagot ko nalang at saka inilagay sa bag ang cellphone ko. Pumara na rin ako ng taxi para pumunta sa bahay nila daddy. Nakarating naman ako kaagad makalipas ang ilang minuto.

“Hija at last you’re here.” Halos lahat yata ng Ventura ay nandito ngayon. Isa akong Ventura pero hindi ko talaga ramdam na isa ako sa pamilya nila.

“Ate! Buti naman bumalik ka.” Nakangiting salubong saakin ni Shiela. Simple lang ang damit niya pero bumabagay naman sakanya. Hindi katulad ng mga pinsan niya na kahit ano yata ang suotin ay hindi pa rin babagay. In short mga pangit sila. Napansin ko rin na inirapan ako ng babaeng tiitignan ko. Hindi talaga bagay sakanya.

“Ang ganda mo talaga ate. Black suits you! And the legs! Like wow!”

“Shiela.” Suway ni tita sakanya dahil sa mga salitang pinili niya. Isa ito sa dahilan kung bakit gusto ko si Shiela. Wala siyang pakialam kung mayaman sila basta sasabihin niya kung ano ang gusto niya.

“Psh. Mommy kala mo naman may makakarinig. Hello? Buti sana kung mga sosyal ang nandito. Mga pinsan ko lang naman ang nandito and besides kung ayaw nila sa ate Andrea ko edi ayaw ko rin sakanila.”

“Hay! Sumasakit ang ulo ko sainyong dalawa. Hinahanap ka nga pala ng daddy niyo. You should meet him Andrea.” Malumanay at sweet talaga ang boses ni tita. Kahit hindi niya ako kadugo ay tinuturing na rin niya akong isang anak.

Nginitian ko nalang siya at saka in-excuse ang sarili para puntahan si papa sa office niya.


“Gusto mo raw akong maki---Gusto mo raw akong makita.” Isinara ko ng maayos ang pintuan at saka nilagpasan si Andie para lapitan si papa.

“As I was saying dapat magkasundo na kayo ni Andrea. Kung ano man ang pinag-awayan niyo noon dapat---“ Tinawanan lang ito ni Andie na dahilan kung bakit nakuha niya ang atensyon ko. Hindi ko rin alam na tungkol saamin pala ang pinag-uusapan nilang dalawa kaya niya ako pinatawag dito.

“Dad hindi namin magagawa ni Andrea ang gusto mo. We’re not even related!” This time ako naman ang natawa sa sinabi niya. Kanina lang sinabi pa niya saakin na tawagin ko siyang kuya.

“She is your sister!”

“I’m not a damn Ventura!”

“So ano ako dito? Pinatawag mo ba ako dito para manood lang sa away niyong dalawa?” humalukipkip ako at tinitigan lang si papa. Napansin ko rin ang nakakuyom na kamao ni Andie. Hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon sa usapan nila kaya mas minabuti ko nalang na magtaray.

“Andrea anak kung ano man ang hindi niyo napagkaunawaan noon si Andie---“

“Dad I am not a Ventura and I am not going to be a Ventura. Paninindigan ko ang pagiging Lim ko dahil ayaw ko siyang maging kapatid.”

Umiling-iling akong lumapit kay papa. Wala namang patutunguhan ang usapan nila kung hindi sasabihin ni Andie ang rason niya. Sa totoo lang ayaw ko rin siyang maging kapatid. Iniisip ko palang ay nandidiri na ako.

“Pa we can’t be siblings. Nakakadiri.” Nanlaki ang mga mata ni papa dahil sa sinabi ko. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon nalang kami ni Andie sa isa’t-isa.

“Dati na kaming nagkaroon ng relasyon Pa. Nakakadiri naman kung magiging kapatid ko siya bigla, hindi ba?” I said rolling my eyes. Hindi talaga ako makapaniwalang pinapunta nila ako dito para lang sa usapang ito. Nasayang lang ang oras at lakas ko. “Don’t worry hindi naman kami ulit magkakaroon pa ng relasyon dahil mas nakakadiri yun.” Feeling ko ang pait ng dila ko habang binibitawan ko ang mga salitang iyon. Andie still affects me and I damn hate it.

Makasama lang siya kwartong ito ay feeling ko nanlalanta na ako at nakakapagpaiba ng mood. Naiinis akong bigla nalang nawala ang gana ko ngayong gabi. Gusto ko nalang tuloy umuwi at yakapin ang anak ko.

PMW Book 2 : I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon