A/N: This is just a short story. Sana magustuhan niyoo.. Basta basahin nioooooooooo nalangg. :DD -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Inigo's POV
"Oh My God, Inigo!!! Please please please! I need to buy that dress, NOW. As in ngayon na!" nanlalaki ang mga matang sabi ni Aya, ang amo ko.
Napakamot ako ng ulo. "Eh Ma'am, hindi niyo na kailangang sabihin sa'ken. Di ko naman hawak pera mo eh."
Tumirik pa ang mga mata niya sa'ken. Nandito kami ngayon sa mall at kahit na medyo nakkakahiya na dahil pinagtitinginnan na ako ng mga tao sa iba't ibang damit pambabaeng dala ko ay parang hindi naman iyon napapansin nitong babaeng to.
Magsimula sa shorts, dress at ang nakakahiyang two piece swimming suit ay dala ko, bukod pa sa maraming paper bags na laman ng kung ano pang mga ibang pinagbibili nito. Kahit noon pang nakikita ko siya sa eskuwelahan ay hindi ko namang inakala na totoo pala ang sinasabi ng mga kabarkada ko roon. Napakamaluho pala nito at hindi lang basta basta ang binibili.
OO, schoolmate ko ang napakaarteng babaeng 'to. Never kong inakala na magk-krus ang landas namin, hanggang sa...
Flashback...
Hapon noon, kakagaling ko lang sa school at papito pito pa ako, nasa mood at excited ako noong sabihin na nakuha ko na ang f ull scholarship na dati ko pa talaga gusto. Ang taas kasi ng tuition dito sa university na pinapasukan ko...
Kung hindi lang ako insponsor ng boss ng tatay ko ay baka sa public ako siguro, o ang malala ay hindi pako nakatuntong ng 4th year. Buti na lang ang bait nung boss ni tatay.
Nasa gate na ako ng bahay, yung gate gawa sa kahoy at hanggang baywang ko lang. Tinawag ko ang bunso naming kapatid...
May pasalubong kasi ako sa kanya. Favourite niyang barbie doll. Kinocollect kasi yon, kaso nga lang aang partikular na iyon ay may kamahalan kaya naman ngayon naka-ipon ako, late gift ko para sa kanya.
"Nina! Nina! May pasalubong ako sa'yo oh. Paborito mo." Wala pa rin. Tinawag ko na rin sina inay, si Lia na pangalawang kapatid ko... Nagtatrabaho kasi si inay sa eskuwelang pinagtatrabahuhan nina Lia, pero umuuwi sila bago pako makauwi.
Si itay naman late umuwi.
Kinabahan ako. Ng makalapit ako sa pintuan ay hindi bukas iyon, na palaging bukas kapag umuuwi ako. Kumatok ako, pilit kong itinago ang pangamba sa boses ko. Baka naman namalengke lang...
"Inay! Inay! Lia! Nina, andyan ba kayo?"
Wala pa rin. Pumunta ako dun sa bintana, bukas iyon ngunit nakita ko ang nabasag na baso at ang nagkalat na tubig sa sahig. Malakas kong tinumbok ang bintana habang sumisigaw.
"Nina!! Nay! Nay!" Malakas na ang pangamba kong may masamang nangyari.
Patakbo na kong lumabas ng kahoy na gate namin ng biglang tinawag ni Manang Dang ang pangalan ko, kapitbahay namin.
BINABASA MO ANG
The Spoilt Brat's First Love
RomanceMarangyang buhay ang nakasanayan ni Aya, being the only child of a rich businessman and a lovely, dedicated housewife. She'd always been polite, she has it all, a loving happy family, money, popularity, friends...