Chapter 7 "Sugatan"

228 8 1
                                    

Kabanata 7 "Sugatan"

(Itinutok ni Selina ang isang piraso ng bubog sa kanyang pulso...)

Selina : Para ito sa pananakit sa akin ni Ulysses at Helga...

(Patuloy sa paghagulgol si Selina,kasabay ng pagpatak ng kanyang masaganang luha,hanggang sa...)

Selina : AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!

(Nalaglag ang piraso ng bubog...)

Selina : Hindi ako papayag na ako ang talunan! Hindi ako papayag na ako ang luhaan!

(Muli siyang humarap sa basag na salamin...)

Selina : Isinusumpa ko,hindi na nila muling nanaisin pang saktan ako,ni ang makita pa ako!

(Dali daling kinuha ni Selina ang bath robe,saka pumasok sa banyo sa kanyang kwarto. Pagpasok nya roon ay agad nyang hinubad ang kanyang suot na damit,saka nya sinabon ang kanyang buong katawan....)

Selina : (Inihagis ang sabon,hinahampas ang pader ng banyo) Baboy ka! Baboy kayo! Hindi ko masikmurang ang labi at dila mo ay dumarampi sa katawan ng matalik kong kaibigan! (Humahagulgol)

(Mariing pinisil ni Selina ang Facial wash tube at saka inilagay sa kanyang mukha...)

Selina : (Kinukuskos ang mukha habang umiiyak) Sisiguraduhin kong ibang Selina ang makakaharap ng mga tao sa susunod na mga araw!

(Agad nyang binanlawan ang kanyang sarili,nagpunas at nagsuot ng Bath Robe. Nagspray ng pabango,namili ng kanyang damit na isusuot at nag make-up. Biglang tumunog ang kanyang cellphone...)

Selina : (Binasa ang text) Magkita tayo ngayon sa Italian Restaurant malapit sa Agency nyo,dun na tayo magdinner kasama ng anak natin... (Ngumisi) At talagang nagkamali ka pa ng pinagsend-an mo ng text para sa malandi mong kabit? Mukhang umaayon sa akin ang tadhana....

(Agad siyang lumabas ng kanyang silid...)

Selina : Ma,aalis tayo nina Pola at Cody,sumama kayo...

Chantal : Ayos ka lang ba,anak?

Selina : Of course,Ma,ayos lang ako. By the way, may naghihintay sa atin sa isang Italian restaurant..

Chantal : Naghihintay? Sino?

Selina : Wag ng maraming tanong...

Chantal : Sige. Pola! Bilisan mo aalis daw tayo!

Selina : (iniabot ang kamay kay Cody) Tayo na,anak....

(Kumapit si Cody sa kanyang ina. Agad na silang nagtungo sa sasakyan at tumulak na patungo sa Italian Restaurant kung saan may naghihintay sa kanila. Samantala,sina Ulysses at Helga naman...)

Ulysses : (Kausap si Helga sa Phone) Nasaan ka na?

Helga : Nandito pa sa Agency,bakit?

Ulysses : Hindi mob a nareceive ang text ko?

Helga : Na ano? Wala akong narereceive na text?

Ulysses : Wag ka ng umalis diyan,I picked up our son,magdidinner tayo sa labas ng agency nyo,sa katapat na Italian restaurant ng building nyo...

Helga : OK,sige,hihintayin ko na kayo ni Chino...

Ulysses : Pagkatapos noon ay hindi na tayo uuwi sa bahay natin,magpapakalayo layo na tayo,may nabili na akong bahay sa Tagaytay,I already withdrawed all of my money bago pa iyon ipafreeze lahat ni Papa.

Helga : That's good kung ganun nga.

Ulysses : Sige,bye,I love you.

Helga : I Love you too. Bye.

Doble KaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon