CH. 8

534 6 5
                                    

These past few days, napapadalas na magkasama kami ni Ice. Parang naging natural na sa mata ng mga tao na kami ang madalas magkasama kaya parang hindi na din big deal sa kanila yun. Konti na lang din yung nang-aasar sa amin. Pero yung iba, patuloy pa din sa pang-aasar samin. Dyahe. Nakakahiya tuloy kay Ice. >_<

ICE: may gagawin ka ba mamaya?

BLAIRE: wala naman. Why why?

ICE: magla-Library kasi ako eh. Gusto mo bang sumama?

BLAIRE: surely!

Ehe. Kahit na hindi ko talaga hilig ang tumambay ng library, sumama na lang ako kay Ice. Alam niyo na. Para makasama ko pa siya ng matagal. XD

Nandito na kami ngayon sa loob ng library. Guess what: B-O-R-I-N-G. Ang tahimik kasi tapos nakaka-antok. ~_~ Nagbabasa ng book si Ice ngayon. Mukha namang nag-eenjoy siya. Pero grabeee ang kapal ng libro. @_@

BLAIRE: anong binabasa mo?

ICE: it's a novel.

BLAIRE: hmm.. Ang kapal naman niyan. Buti di ka inaantok.

ICE: hindi. Maganda siyang basahin. Interesting siya dahil it talks about the politics nung panahon ng Japanese regime. And pinapakita din dito kung paano nila tratuhin ang mga Pilipino noon. Also, maganda siya kasi may lessons learned din dito. Magaling din ang blablablablabla

Ang daming kinuwento ni Ice tungkol sa libro.. Which I don't find interesting. Hindi naman kasi ako palabasa kaya di ko ma-appreciate yung mga sinasabi niya. Di ko din gets! Hindi ko na inintindi yung mga sinabi niya. Para na silang naka-filter sa pandinig ko. Nagpapangap na lang ako na nakikinig ako para hindi naman siya mapahiya. And besides, crush ko siya diba? So dapat pakingan ko siya. Ehehehe.

ICE: nakikinig ka ba?

BLAIRE: hmm? Oo naman! Mukhang interesting nga yang librong yan hehe...

NOT. Syempre sinabi ko lang yun para magmukha talagang interested at nakikinig ako sa kaniya. Grabe, kahit anong pilit pa ang gawin mo sakin, hindi talaga ako interesado sa pagbabasa ng libro T_T Well, dipende sa libro. Nagbabasa ako ng konti, pero piling libro lang. Hihi!

ICE: gusto mo bang basahin?

BLAIRE: no, thank you! Hehe. Kaw na magbasa niyan at mukhang nahoohook ka na eh.

Nag-concentrate na ulit si Ice sa pagbabasa. Grabe, tama ba ang desisyon ko na sumama sa kaniya sa Library? T__T Nababagot na talaga ako!

Makapag-internet na nga lang sa cellphone.

BLAIRE: bwahahaha! Ice! Look at this video, nakakatawa!!

Pinanood ko sa kaniya yung video na napanood ko sa Facebook. Sa sobrang natawa ko, narinig pati sa kabilang table yung tawa ko. Eh ano naman kung narinig nila? Nakakatawa naman kasi talaga yung napanood ko XDD

BLAIRE: dali Ice!! Panurin mo. Mamaya ka na magbasa XD

ICE: Blaire, wag kang maingay! Baka palabasin tayo. Mamaya na ako manonood niyan pag nasa labas na tayo ng Library. Bawal yang ginagawa mo dahil hindi pwede sa library ang manood ng mga ganiyan. Nasa library ka para magbasa, at hindi manood.

BLAIRE: hai hai..

Dahan-dahan kong ibinulsa yung cellphone ko, at sinubsob ko na lang mukha ko sa mesa, habang nakapatong ito sa braso ko. Ano ba naman yan, napagbawalan pa akong manood. Eh ano na lang gagawin ko dito?! T__T Tapos napahiya pa ako sa kaniya. Huhu. Ayoko na magpakita tuloy ng mukha sa kaniya.. EVER.

Love Charades [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon