Natatakot ako

2.9K 56 17
  • Dedicated kay Para sa mga taong natatakot magmahal.
                                    

Natatakot ako.

Natatakot ako na baka bumalik sakin lahat ng ginawa ko sayo. 

Ikaw yung nandiyan nung mga panahong nababaliw ako sa ibang tao.


Ikaw yung nasa tabi ko tuwing ni-rereject niya ako. Ikaw yung laging nakikinig sa mga ka-dramahan ko.


Ikaw yung laging nasasabihan ko ng mga problema.


Ikaw yung laging nagpapangiti sakin tuwing pinaiiyak niya ako.


Ikaw yung nasa tabi ko tuwing iniiwan niya ako. Ikaw yung nagpupunas ng mga luhang dahil sa kanya.


Ikaw yung hinahanap ko kapag iniwan niya ko. Ikaw yung naging sandalan ko.

Pero kapag andyan siya, daig ko pa ang isang taong may Amnesia.  

Pero anong ginawa ko sayo? Pinaasa kita. Iniwanan. Sinaktan.

At noong may nahanap kang iba, nasaktan ako.

Parang may tumusok sa puso ko noong nabalitaan ko yon.

Hindi ko mapigilang hindi maiingit sa kanya kasi merong isang katulad mo na nagmamahal sa kanya.

Siguro noon pa man may gusto na ako sayo, natatakot lang akong aminin.

Siguro dalawa kayong nasa puso ko noon. Pero hindi ko lang aminin, dahil natatakot ako sa magiging tingin ng mga tao.

Natatakot ako na baka magaya ako sa kanya.

At noong iniwanan niya ulit ako, wala ka na sa tabi ko.

Nakita kitang kasama mo siya. Natawa ako kasi masyado akong ambisosya.

Iniisip ko na may gusto ka pa din sakin.

Natatakot ako na baka gawin mo lang akong rebound.

Hindi ko alam ang eksaktong nangyari noon sa inyo, ang alam ko lang nasa tabi na ulit kita.

Nandyan ka na ulit para paligayahin ako.

At ng dahil sayo unti unting nawala yung naramdaman ko sa kanya.

Hindi kita ginamit na rebound kasi kahit wala ka pa sa tabi ko, pinilit ko ng mag move on sa kanya.

Para akong aso na habol ng habol sa kanya.

Pero lahat yon, nabago.

Natatakot ako na baka siya pa rin ang gusto mo.

Na baka ginagamit mo lang ako para maka-move on sa kanya.

Natatakot ako na baka nagbago na yung feelings mo sakin.

Natatakot akong ma-attach sa isang lalaki.

Natatakot ako na baka katulad ka rin niya, sasaktan mo rin ako. 

Natatakot ako na baka para sayo, isa lang akong kaibigan. 

Natatakot ako na baka pag na-fall ako sayo hindi mo ko sambutin.  

Natatakot ako na baka pinaglalaruan mo lang ako. 

Natatakot ako na baka paasahin, saktan at iwan mo lang din ako gaya ng ginawa ko sayo.

 Natatakot ako na baka hindi pa rin talaga ako nakaka-move on sa kanya.

Natatakot ako na mahalin ka.

Natatakot akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon