Chapter 26: My New Year With you and Sana wag maging Last.

5.8K 73 29
                                    

Kinabukasan, ang aga ko nagising. Paano naman kasi, yung alarm clock nung ka-group namin, hmm yung name niya ay sinu ba yun?.. yung pinaka sikat daw yun tska yung bestfriend niya sa college department ng school eh.

Si Cleo Jeung ata name nyun. Ang gaganda nga nila eh.

Ah bale mabalik pala tayo, yun nga, 4:30 pa lang eh nag alarm na, tapos nagulat nalang ako eh nagsisisigaw si Ate Cleo, ewan ko kung anung mga nangyayri dun, mukhang nag aaway ata si Kuya Tacs.

Pero ang malupit nito ay, sa gitna ng world war ni Ate Cleo at Kuya Tacs eh etong katabi ko, ay sobrang himbing sa tulog. Kung sinasabi ni Jicks na ako ay isang anghel para sa kanya, well c Marco ang mukhang anghel para sa akin.

Nakahiga parin ako na nakatagilid lang at nakaharap kay Marco, nasa likod ko si Ate Rina, yung bestfriend ni Ate Cleo, since walang kama dito eh tabi tabi kameng lahat dito. Ang galing nga eh, ngayon lang talaga ako naka experience ng ganito.

“Bulaga!”

“UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA”

“Ui Prinsesa!!! Prinsesa!!”

Grabe hindi ako maka get over!!! Habang tinitingnan ko kasi si Marco na natutulog eh biglang bumukas yung mata niya kasi eh tas biglang nag bulaga pa siya.

Alam niya namang hindi ako pedeng magugulatin kasi nagwawala talaga ako pag ganun. Maggulatin kasi talaga ako. Wahaha.

Niyakap ako ni Marco. Ayun natahimik ako. Wahahah. Grabe nagulat talaga ako eh. Masama talaga ako pag sobrang nagugulat.  Ang init ng yakap ni Marco. Ang sarap.

“Mukha ba akong multo Prinsesa?”

“Sinu ba naman kasi may sabing gulatin mo ako. :’( “

“Hindi na, hindi na...”

Simula nun parang ang tahimik ni Marco. Ang wierd pala pag ganito noh, wala kayong mapag usapan. Pumasok na sila Ate Cleo at Ate Rina sa banyo ng kwarto namin. May sarili kasing banyo yung kwarto na toh.

Habang inaantay namin yung mga tao sa loob. Eh natutulog pa yung iba tapos lumabas na si Kuya Tacs, so parang kameng dalawa lang talaga yung tao sa loob ng kwartong ito.

.......

.............

..............................

“Argh! Prinsesa magsalita ka naman! Ang awkward eh.”

“Eto na nagsasalita na,,,”

Tas biglang tumawa siya nang malakas. Anu kayang meron. Bumangon na kameng dalawa kasi nga ang sabi nila eh 6am daw kame pupunta dun.

Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon