Chapter One: Vampire

362 20 3
                                    

Pa vote naman saka pa comment XD salamat ^____^

May pagka introduction pa din to XD

_______________________________________________________________________________

[Haruhi's POV]

Uwaaaa ayoko ng lumabas dito sa kwarto mamatay nalang ako dito sa loob ng kwarto!! Kalurkey naman oh! Nandito ako sa kama, ngayon.. May isang malaking kama lang dito. O___O Ibig sabihin magtatabi kami? Waaaa hindi pwede yun!! Biglng bumukas yung pinto.. Ni-lock ko yun ahh.. May isng guy na pumasok, tapos may hawk siyang susi.. Yung itsura niya ehh pale white ang complexion niya, tapos dark red ang mata niya saka brown reddish ang buhok niya. Mala twilight ang itsura niya.. WAAAAA Vampire ata to..

"Sino ka?" His voice parang deep pero hindi, mysterious na masarap pakinggan..

"Vampire ka ba?" ganda ng tanong ko sa kanya no? Ayos ba? Napakunot yung noo niya, halatang naguluhan siya sa tanong ko.. Napangisi siya tapos nakita ko may pangil siya.

"Kyaaaa may pangil ka!! Vampire ka nga!! Waaaaaa!" nagtatakbo ako papalabas ng kwarto.. Tapos napadiretso ako sa sala.. Nandito yung mga zombies.. Napatingin sila sa akin. Waaa feeling ko trapped na ako.. Biglang may kumapit sa balikat ko.. Paglingon ko sa likod yung lalake kanina. Sabay tinakpan niya yung bibig ko.. "Wag kang mag-alala isang kagat ko lang sa'yo kauri mo na ako.. Kaya wag ka ng matakot.." Nagpumiglas ako, sabay pagbitaw niya sa akin eh na-off balance ako kaya nagdirediretso ako sa sofa, napaupo ako.. Nakatitig lang sila sa akin..

"Uhm hi.." napangiti nalang ako sa kanila..God this is very awkward. Napansin ko na tatlo nalang yung naglalaro.. Yung naka Beats na headset, yung malalim ang mata at yung may seductive eyes.

"HELLO!!" sabay sabay silang tatlo..

"Uhm sorry nga pala kanina.. Kung natakot ka sa amin.." sabi nung guy na may seductive eyes. Then lumapit siya sa akin.. Inabot niya yung kamay niya para makipag shake hands.. "I'm Chris." Yung boses niya ehh sexy na pag narinig mo eh laging parang may meaning ang sinasabi. Nakipag-shake hands naman ako.. Kaso bigla niya akong hinatak papalapit sa kanya.. Alam niyo yung feeling na maraming sparkling lights sa paligid habang magkalapit kami? "What's your name babe?" Pero hindi ko feel yung sparkling lights,, =___= Ayoko sa malanding nilalang.. Napaurong ako..

"I'm Haruhi.." I smiled..

"Oyy Chris Tama na natatakot na sayo si Haruhi!" sigaw nung may suot na Beats. tumayo siya sabay lumapit siya sa akin. "Hi girl you just caught my eye.." ansabee kumanta ng By Chance.. "Ako nga pala si Steven.." Ang boses ni Steven eh napaka gentle, yung pag narinig mo ehh para kang niyayakap sa isang malamig na gabi.. Maya maya may narinig kaming naghihilik..

"Sino yan?" tinuro ko yung lalake na natutulog sa sofa..

"Ah si Andrei yan.. Pag pasensiyahan mo na, wala pang tulog yan kakalaro ng Devil May Cry." sabi ni Steven.

"Wow gamer din siya?" sabi ko..

"Lahat naman kami dito, kaso siya ang pinaka-adik.. Kalahati ng bayad sa kuryente dito sa kanya.." sabi ni Chris.

Maya maya eh napatingin ako sa vampire. "Ikaw sino ka?"

"Daniel.."

"Tipid mo naman sumagot.." lumapit ako sa kanya tapos binukas ko yung bibig niya.. "Wow ang talim ng pangil mo.." Ganito ako pag nafafascinate.. Napalayo siya sa akin..

"Oy ano ba ang ginagawa mo?!" napatakip siya ng bibig..

"Ngayon lang kasi ako nakakita ng vampire.."

"Vampire?! Naka-drugs ka ba? Pag matalim ang pangil vampire agad?" sabi niya sa akin..

"So anong uri ng nilalang ka?" tanong ko..

"Tao malamang.." Ohh sabagay bakit naman magkakaroon ng vampire dito diba.. Napatango nalang ako..

"Daniel first time kang napagkamalang vampire ahh.. Laging emo kasi ang first impression sa'yo.." sabi ni Steven..

"Mas feel ko ang emo kesa vampire.."

Okay ifast forward na natin puro kanon sense-an ang pinag-usapan namin after nun.. So night time na. Kagagaling ko sa CR para mag toothbrush. Then pagpasok ko sa kwarto eh nakita ko na si Daniel na natutulog.. Good this is awkward.. First time kong tatabi sa lalake para matulog.. Hihiga na ako sa kama at napagmasdan ko siya.. Waaaa ang gwapo, feeling ko naggglow ang face niya. Grabe anong klaseng nilalang to?! Dazzling creature.. Pinatay ko na yung ilaw then binuksan ko yung dim light.. Hindi kasi ako nakakatulog ng sobrang dilim eh. Humiga na ako sa kama. Pero hindi ako nakaharap sa kanya.. Tapos pinikit ko na mga mata ko..

Maya maya.. May naramdaman akong kamay na yumakap sa akin.. Napadilat ako at biglang bumili ang tibok ng puso ko.. Kuya wag po, bata pa ako.. Kyaaaaaaa.. Hindi ako makagalaw sa sobrang kaba..

"Lian, hindi ko maintindihan.. Bakit? Bakit mo ako iniwan?"

Shemay... Nananaginip ang loko..

Ang lamig lamig niya grabe.. Vampire nga siguro to..

Biglang humigpit yung yakap niya.. "Lian! Wag mo akong iwan! Mahal na mahal kita Lian.." O___O Ano ba to!! Waaa di na ako makahinga.. Pilit akong kumakawala pero ayaw hindi ko keri ang lakas niya.. Kaya ang ginawa ko ehh umikot nalang ako papaharap sa kanya.. Sabay inutulak ko siya papalayo.. "Daniel! Daniel! Ano ba?! Daniel!" Napadilat siya.. Yung mukha niya eh kitang kita ko gawa ng dimlight.. Gulat na gulat siya.. parang ganito>> O___O Magkalapit na magkalapit ang mukha namin.. Tapos magkadikit ang bodies namin.. Uwaaa so awkward.. Bigla siyang bumitaw sabay kuha niya ng unan at kumot tapos bumaba siya ng kama.. Doon siya natulog..

"Sorry.." sabi niya..

"Uy bakit diyan ka matutulog? Dito ka na sa taas."

"Eeee ayos lang sanay naman ako matulog sa lapag ehh.."

"Dito ka na.. Mahihirapan ka lang diyan.."

"Ehh ayos na ako dito.."

"Dito ka na kasi.." hindi na siya nagsalita pa..

Bahala nga siya.. Sosolohin ko nalang tong kama..

[Daniel's POV]

Shit nakakahiya naman ohh.. Bakit ba kasi nanaginip ako ng ganun? Kasalanan mo to ehh Lian..

Peroo habang magkalapit kami ehh pinagmamasdan ko yung mukha niya.. Ang ganda niya pala.. Nag-skip ng beat ang puso ko.. AHHH ano ba ang pinagsasasabi ko, wala na yun.. Basta ang gusto ko si Lian..

Si Lian ex ko.. Nagpunta ng England doon nag-aral. Nakakainis lang ehh.. Umalis ng walang pasabi. Tapos nung tinawagan ko, break na daw kami.. Pakshet pero mahal ko pa din siya..

TT____TT

Biglang nagflashback sa akin yung mukha ni Haruhi kanina.. Tapos feeling ko nagbblush ako.. Ay shet!! Hindi hindi!! tigilan niyo ako!!! >___<

Inuuntog ko na yung sarili ko sa flooring! "Uy Daniel ayos ka lang?"

"O-oo ayos lang ako.. Matulog ka na lang diyan.." Shet pigilan niyo ako.. Bakit ba kasi magkakaroom mate nalang ako babae pa, tapos hindi pa kami hiwalay ng kama.. Shet naman ohh..

[End chapter]

_______________________________________________________________________________

Hello vote naman kayo saka comment.. ^___^ salamat ng madami XD

LOVE LOVE LOVE

-KINO

Starving for Love (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon