Scar Two.

44.4K 631 48
                                    

Naging okay naman si Trick dahil nakapagpahinga na siya. At syempre pa dahil inalagaan ko siya. Yabang lang eh noh.

Kung nagtataka kayo kung bakit okay lang na dito ako magstay sa kanila, sobrang tiwala lang ng mga parents at guardian naming sa isa’t isa. Pati, ang tagal rin naman naming magkaibigan bago naging more than that diba.

*knock knock*

Bumangon naman ako agad para buksan ang pinto, baka si Tita yun eh.

"Mamaaaaa!" Sigaw agad ng batang cute na cute pagbukas ko ng pinto.

"Dito ta paya natuyog, mama." Ang ibig niyang sabihin eh, dito ka pala natulog mama. Medyo bulol pa kasi ‘tong batang ‘to.

Kapatid ‘to ni Trick ha? Baka isipin niyo anak ko eh. 3 years old pa lang siya. Nung 4th year kami, saktong nagbuntis mama ni Trick at naging kami naman ni Trick. Tuloy, para kaming second parents nito. Yung iba akala talaga nila anak naming itong si Cha-Cha eh. Tinatawanan na lang namin.

"Opo, kasi po inalagaan ko si papa."Sabi ko naman sabay buhat at tinabi ko siya kay Trick.

"Papa! Gitiiiing!" Sigaw naman ng bibong si Chacha habang niyuyugyog si Trick na naalimpungatan na sa pagtulog.

"Hmm, babyyyyyy." Sabi naman ni Trick sabay stretch ng kamay at niyakap kami pareho ni Chacha.

"Oh, bakit may dwende dito?" Pang-asar ni Trick nang nagreklamo na si Chacha dahil di na daw makahinga.

"Ikaw talaga, inaasar mo na naman kapatid mo."Sabi ko kay Trick na may kasamang hampas.

"Hmp. Di tita bati, papa!" Kunwaring pacute ni Chacha. Ang cuuuute! Kaya kiniss ko tuloy siya. Sarap panggigilan.

"Hmp. Buti nga itaw may kiss galing kay mama, ato wala!" Sabi ni Trick na nagbebaby talk. Haha, ang cute din. Pero wala siyang kiss sa akin, sorry.

Ang cute nilang tignan, parehong nakapout tapos naka-cross arms. Nakaharap sila sa isa’t isa tapos ako nasa likod lang ni Chacha.


"Bebs, ako, walang kiss? Unfaaaair!" Naglalambing na sabi ni Trick.

Broken Arrow Season Two: BAND AIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon