Sorry, Mahal.

14.4K 482 117
                                    

SORRY, MAHAL.


"Pagisipan mo ha.. sabihan mo ko kung anong decision mo. Hihintayin ko." Yan ang huli kong sinabi sayo nang huli tayong magusap. Sabi ko, pagisipan mo kung dapat pa ba natin ayusin tong relasyon natin. Hindi na kasi tayo, pero mahal pa natin ang isa't isa. Hindi ka kumibo nun eh, kaya tumalikod na ko't naglakad palayo. Kahit ang hirap hirap umalis.


Mula ng araw na yon, hindi na kita nilapitan. Pero lagi kitang nakikita, mula sa malayo. Lagi kitang hinahanap sa campus, pero hanggang tingin lang ako lagi. Minsan nakita kitang kasama mga kaibigan mo, ang saya saya niyo. Tawa ng tawa. Napangiti na lang ako kasi narinig ko na ung tawa at nakita ko na uli ung ngiti mo.


Kaso napawi din agad nung maisip kong.. masaya ka na.


Masaya ka nang wala ako.


Nagkatinginan din tayo non. Pinilit kong ngumiti at ganon ka rin. Tumango lang ako at tumalikod din, sabay di ko namalayang may pumatak ng luha.


Wala na yata kong hinihintay.


Nakuha ko na yata yung sagot ko.


Pumunta ako sa park at umupo sa bench na paborito natin. Dito tayo madalas tumambay kapag gusto natin kumaen ng kung ano anong streetfoods. Magaasaran.


Napahinga ako ng malalim.. kelangan ko na bang kalimutan lahat ng alaala natin?


Naalala mo yung minsan na nagaaway tayo dito? Nagselos kasi ako non sa groupmate mo sa isang project. Hindi tuloy kita pinapansin.


**

"Babe naman eh, wala lang naman yun." Hindi ako kumibo.


"Babe please? Kausapin mo naman ako oh.. please? Ikaw lang naman mahal ko. Ikaw lang." Kinuha mo yung kamay ko't hinawakan ng mahigpit. 


"Babe tignan mo yung baby boy oh, nakatingin satin. Ang cute oh." Tinignan ko naman yung baby boy at napangiti ako bigla.


"Ay andaya! Sa baby boy ngumiti tapos sakin, ayaw pa ko batiin." Nagpout ka't natawa na ko. Ayun na bati na tayo.

**


Eh yung madalas kang tambay sa dorm ko? CoEd kasi yung dorm ko tapos sabi mo baka may ibang lalakeng makipagclose sa akin. Kaya madalas sinasamahan mo ko. Wala naman kasing curfew pero may gwardya. At kilala ka na nung guard kaya okay lang.


Para tayong mag-asawa, umuuwi tayo pareho sa dorm na malapit lang naman sa school tuwing vacant kaya nakakapaglambingan pa tayo don. O minsan tinutulungan mo ko sa homeworks ko o ako naman ang tumutulong sayo. 


**

"Eeeeh ang hirap hirap naman ng research na 'to babe." Reklamo mo habang magkatabi tayo sa kama pero naglalaptop ka habang ako naglalaro sa phone ko.

Sorry, Mahal. (One Shot)Where stories live. Discover now