Chapter 9

1.3K 17 4
                                    

PHOEBE's POV

narinig ko si Khiel na tinatawag ako sa labas ng pintuan. paano niya kaya nalaman ito, eh, ako lang naman ang tumatambay dito

binuksan niya na yung pintuan at nakita ko na siya. hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at tinawag ko siya. hindi ko rin alam pero bigla ko siyang niyakap. ganito ba ang sinasabi nila na kapag mahal mo ang isang tao, sobrang saya ka kapag nakita mo siya. siguro nga mahal ko na siya. sabihan niyo na ako na makapal ang mukha pero wala na akong pakielam. handa na akong masaktan para lang sa kaniya

natuwa na naman ako kasi niyakap rin niya ako

bumitaw na ako sa yakap namin

"sorry, ha! nabasa tuloy yung damit mo"

hinawakan niya yung mukha ko at pinunasan yung luha ko

"hindi mo na kelangang gawin yan. may panyo naman ako, eh"

"okay lang yun. ano? halika na?"

"saan tayo pupunta?"

"hindi ba't sinabi ko sayo na matutulog ka sa amin. at pinaghintay na natin sila ng matagal"

ni-reach out niya yung kamay niya at hinawakan ko naman yun

naglakad na kami papunta sa kanila pero syempre hindi kami magkatabi. nasa likod pa rin niya ako

okay lang kahit ganito. magkahawak naman kami ng kamay, eh

HAY! kelan ko kaya siya minahal?

 huminto na siya sa tapat ng isang bahay at binuksan niya yung gate.

"Khiel, bahay mo ba talaga ito?"

"oo. tara, pasok ka"

"nakakahiya naman. napakalaki ng bahay mo. baka madumihan ko lang. sige, dito na lang ako sa labas"

"ano ka ba? anong dudumihan? halika na nga dito. pumasok ka"

hinila niya ako papasok at nakita ko na may isang garden. grabe! ang ganda ng bahay niya! pumasok na kami sa mismong bahay at narinig ko ang mga katulong niya na tinawag siyang "Master Khiel"

pfft! RICH KID! binabawi ko na nga ang sinabi ko na mahal ko na siya. lalong lumayo ang agwat naman sa isa't-isa, eh

"Phoebe! pumasok ka nga dito"

sumilip muna ako bago pumasok

"siya po ba ang sinasabi niyong babae?"

"ah. opo"

kinekwento ako ni Khiel sa mga katulong niya? bakit kaya? at ano ang sinasabi niya sa kanila

hinila na ako paakyat ni Khiel. nag-bow na lang ako sa mga katulong na nadadaanan namin

"mag-isa lang ako dito sa bahay. nasa abroad kasi sila mommy kaya puro sila yaya lang ang kasama ko dito. sanay na rin naman ako sa ganitong buhay. ikaw, bakit mag-isa ka lang?"

"namatay na kasi ang mga magulang ko. car accident ang kinamatay nila. nakasakay ako dun sa kotse pero hindi ko alam kung bakit ako lang ang nakaligtas. sinisisi ko nga ang sarili ko sa pagkamatay nila, eh"

"okay lang yan. wala kang kasalanan dun. halika na nga at pumasok na tayo sa kwarto ko. madaming nag-iintay sayo dun, eh"

"sino ba?"

"makikita mo na lang"

binuksan niya na yung pinto sa kwarto niya at hinila niya ako papasok. nakita ko na lang na ang daming tao at ang lalaki ng salamin. meron din silang mga lamesa na puro pangpa-ayos ang nakalagay.

lumapit ang isang babae kay Khiel at kinausap niya ito

"hindi niyo naman po sa akin sinabi na ganito kaganda ang dadalhin niyo dito. sana ay hindi na kami nagdala ng ganito karaming make-up. kahit wala na kasi siyang make-up, okay na"

ako ba ang pinag-uusapan nila?

"mam, halika na po kayo dito at umupo na po kayo"

ako? pumunta ako kay Khiel at bumulong sa kaniya

"Khiel, wala akong pambayad dito"

"haha! okay lang yan! ako na ang bahala sayo"

inupo niya na ako sa isang upuan at nilagyan niya ako ng piring sa mata para daw hindi ko makita ang gagawin nila sa akin. ewan ko ba pero bigla akong kinabahan

"mam, let's start na po"

The Most Popular Guy Asked Me Out?!?! (fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon