Chapter 58

101K 3.1K 486
                                    


Heira's POV

"Ate Heira! Wag mong titigan ang pagkain hindi ka mabubusog nyan." Puna sakin ni Hairu. Habang nasa harap kami ng Lamesa. Nakasuot ako ng School Uniform. Nakahanda na para sa pagpasok sa School. Pero hindi ko magawang galawin ang pagkain na nasa harapan ko. Simula ng huli kaming magkita ni Dark Devil sa Bar na pag-aari ng magulang ni Clarence Miguel hindi ko na ulit siya nakita dahil simula noon. Hindi na siya pumapasok sa School. Kung sabagay mabuti na rin yon upang makapag move on ako.

Saglit kong sinipat si Hairu. "Busog ako Hairu kumain ka na lang mag-isa." Sagot ko.

"Ate Heira, Paano ka mabubusog kung wala ka namang kinakain. Sigurado ka bang okay ka lang?" Pag-uulit ni Hairu sakin.

Tumango ako. "Oo sabi eh, kumain ka na lang dyan!" Inis kong sagot. Tapos muli akong tumingin sa kawalan.

"Nay, ganyan ba kapag naiinlove ang isang tao nababaliw?" Narinig kong tanong ni Hairu kay Nanay. Matalim ko siyang tinapunan ng tingin. Tapos inirapan ko pa siya. Kahit kelan talaga si Hairu nakakainis!

"Pabayaan mo muna ang Ate Heira mo. Wala talaga siguro siyang ganang kumain. Kapag okay na ulit yan makikipag agawan na ulit siya sayo sa pagkain." Ani Nanay.

Tumayo ako upang pumasok na sa SPIA. Wala naman akong ganang kumain kaya papasok na lang ako. Lumapit ako kay Nanay upang magpaalam. "Nay, papasok na po ako." Sabi ko.

Huminga ng malalim si Nanay. "Hanggang kelan kita makikitang ganyan Anak?"

"Nay..."

"Nahihirapan akong tingnan ka sa araw-araw kasi mas dobleng sakit ang nararamdaman ko bilang Ina mo." Ani Nanay. Habang nag-uunahang tumulo ang mga luha niya sa pisngi. Bigla akong nahabag sa Nanay ko kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Pinipilit kong maging matapang sa harapan ni Nanay. Pinipilit kong wag umiyak. Pilit akong ngumiti sa kanya. "Wag na po kayong umiyak Nanay. Papangit kayo nyan. Magiging okay din ako. Wag nyo na lang akong pansinin."

"Pero Anak.. Pinapabayaan mo na ang sarili mo! Hindi kana kumakain."

"Kakain din po ako isipin nyo na lang po na diet ako." Biro ko pa kay Nanay.

"Sira ka talagang bata ka!" Ani Nanay sakin.

Napangiti ako atleast napatawa ko na si Nanay. "Oh, Nanay papasok na ako ha. Wag na kayong mag-alala sakin."

Tumango si Nanay. "Sige Anak, kumain ka mamaya pagluluto kita ng paborito mong pagkain."

"Sige po uuwi ako ng maaga."

"Sige na anak pumasok kana sa Academy. Mag-iingat ka ha!"

"Opo Nanay!"

"Ate Heira!"

"O bakit na naman Hairu?"

May kung anong inabot siya sakin na nakabalot sa isang eco bag. "Pagkain mo yan baon mo." Nakangiti pa niyang sabi sakin.

Napangiti naman ako sa ginawa ni Hairu. Sobrang sweet kasi niya dahil talagang pinagbaon pa niya ako ng pagkain. Kahit siguro ayokong kumain. Mapipilitan akong kumain dahil sa kanila. Ginulo ko ang buhok ni Hairu tapos ngumiti ako sa kanya. "Ang sweet naman ng Brother ko. Teka ano ba itong pinabaon mo sakin?" Binuklat ko ang loob ng Eco bag.

"HAAIIRRUU!!!" Dumadagundong kong sigaw sa loob ng bahay namin dahil sa sobrang galit ko kay Hairu.

Tumakbong palabas ng bahay si Hairu habang walang tigil sa kakatawa. "Peace Ate Heira! Haha!"

"BUMALIK KA DITOO!!"

"Ano bang ginawa sayo ni Hairu baki galit na galit ka Anak?" Tanong ni Nanay sakin.

King Of Casanova Book1 (PUBLISHED UNDER PSICOMWhere stories live. Discover now