Chapter 02: Kidnap

6.7K 242 15
                                    

"Manang aalis na po muna kami ni Zahra pero babalik po ako bago po magdilim." Pagpapaalam ko kay Manang pagkatapos kong mabihis at maghanda.

"Sige Kevia. Magluluto ako ng hapunan para sa inyo ng Daddy mo. Binilin niya kasi na sabay daw kayo maghahapunan." Sambit ni Manang.

"Nasabi nga po sa'kin ni Daddy Pops. Sige po Manang."

"Alis na kami Manang. Ihahatid ko nalang si Kevia mamaya." Sabat naman ni Zahra.

Lumabas na kami ni Zahra pagkatapos. Nakisakay nadin ako kay Zahra para naman tipid sa gasolina at para din di na ako mapagod sa pagdadrive.

"Kamusta na pala kayo ni Mikko? Sinagot mo na ba siya?" Tanong ko kay Zahra habang nagmamaneho siya at habang nakaupo lang ako sa front seat.

"Hahahaha. At bakit ko naman sasagutin iyon? Eh ang bata pa kaya non. Dalawang taon iyong tanda ko sa kanya noh." Sarkastikong sagot niya.

"Age doesn't matter naman diba?"

Si Mikko ang anak ni Tito Mark at Tita May. Simula noong mga bata pa kami, talagang gusto na ni Mikko si Zahra. Akala ko nga non eh simpleng crush lang iyon pero umabot na talaga sa punto na niligawan na ni Mikko si Zahra kaya masasabi kong seryoso na talaga siya.

"Age doesn't matter nga pero gosh! Di ko siya talaga type noh. Baby pa kaya iyon!" Bulalas ni Zahra.

Di nagtagal umabot nadin kami ni Zahra sa mall. Pinark lang namin iyong kotse saka ka pumasok ng mall.

"May bibilhin ka ba?" Tanong ko kay Zahra.

"Hmm.. Depende kung may makita akong maganda. Ikaw may bibilhin ka?" Tanong naman niya sa'kin.

"Mag wi-window shopping lang ako. Wala kasi akong budget." Sagot ko.

"Hahahaha. Ikaw? walang budget? Eh ang yaman yaman mo kaya. Nakapangalan na nga sa'yo iyong Livingstone University eh." Sambit ni Zahra habang nakatawa siya.

"Nakapangalan lang iyon sa'kin pero di naman talaga akin iyon." Sambit ko naman habang patuloy parin kaming naglalakad.

Pumasok kami sa CLN boutique ni Zahra saka tumingin tingin sa display nilang sapatos at bag.

"Size 7 nito. And also this, this, this, this and this one. This also please."

Nakuha ang atensyon ko sa babaeng nakasuot ng bright yellow na blouse at black pencil skirt. Bukod kasi sa tingkad na suot niyang damit eh andami niyang pinakuhang size ng mga sapatos na tinuro niya. And to think na hindi na niya sinukat iyon. Tinuro niya lang lahat saka niya binigay iyong credit card niya sa cashier pagkatapos kunin ng sales lady ang stock ng mga sapatos na hiniling niya. Siguro nasa 12 pairs din iyong nabili niyang sapatos. May dala naman siyang dalawang babae na nagdala ng mga pinamili niya bago siya lumabas ng CLN.

"Grabeh naman. Artista ba iyon?" Tanong ni Zahra sa'kin habang nakatingin parin kami sa likod nong babae na nasa labas na ng CLN.

"Hindi siguro. Di kasi pamilyar iyong mukha niya. Pero halatang mayaman iyon." Sagot ko.

"Mas mayaman ka kaya sa kanya. Bumili kadin ng 12 pairs ng sapatos Kevia."

"Ehh? Ayoko ngang mag waldas ng pera ng ganun ganun lang."

Naglibot libot pa kami ni Zahra sa mall hanggang sa napagod na iyong mga paa namin sa kakalakad. Bumili si Zahra ng isang heels. Bag naman ang nabili ko. Ayoko sanang bilhin pero naka mark down siya ng 50% kaya binili ko na. Sayang din naman.

"Kevia!" Bulong sa'kin ni Zahra habang patuloy kami sa paglalakad sa second floor ng mall.

"Ano?"

MTC Book 3: Reaching my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon