39 DAYS with HIM- 12.1

423 12 0
                                    

Sa SCHOOL -

DJ's POV -

Nandito na kaya sa school yung engot na yun?

left Dj: Bakit mo ba siya hinahanap DJ?

Right Dj: Syempre slave ko siya.

Nak Ng!

" I'm sorry." Sabi ng naka bunggo sa akin

Ano ba naman yan. Tatanga tanga. Hindi marunong tumingin sa dinadaanan.

Teka si kath yun ah? Patuloy pa rin siya sa paglalakad hanggang sa lumiko siya sa may Garden ng school.

Nyare dun? Di man lang ako pinansin? Parang wala sa sarili ah. Masundan nga.

" Hoy kath!." Tawag ko sa kanya. Pero parang di ako narinig eh. Malamang di lumingon eh.

Umupo siya sa may swing. At nag swing2 ng mag isa. Tulala pa rin. Parang may pinag dadaanan?

Nag lakad ako papunta sa kanya. At umupo sa kabilang swing.

" Kath, may problema ka?."

*sob *sob *sob

Umiiyak ba siya? Shit. Nyare sa kanya. Teka, Bakit ang dumi ng t.shirt niya. Parang tae eh. Tsaka yung buhok niya, napakagulo. Parang dinumog ng sampung demonyo. Teka -

" Kath, sinong may gawa niyan sayo? ha? sabihin mo? At bubugbugin ko!.." galit na sabi ko. Tang ina sila! Wala silang karapatan na gawin to kay kath.

*sob *sob *sob

" May- may - may ano kasi yang may, *sob *sob *sob."

Ha? Ano daw?

" Kath, ayusin mo naman yang pagsasalita mo." naiirita na ako ah. Pero hindi sa kanya. sa gumawa niyan sa kanya.

" May ano kasi, may  mga bagong transferee kasi na galing sa DU (Diodanes University), mga babae sila. Bale lima sila. Sinugod nila ako, at tinaponan ng ewan yung t,shirt ko, tapos sinabunutan ako bigla ng isang babae. Tapos tinampal ako ng isang kasama rin nila. ANg harsh harsh nila. Huhu! *sob *sob wala naman akong ginawa sa kanila ah."

at napahagulhul si kath at tinanday yung ulo niya sa kaliwang kamay niya na humahawak sa kadena ng swing. Shits yun sila. Bakit nila ginawa to kay kath? Anong mga problema nila? Naaawa talaga ako sa kalagayan ngayon ni kath. Namumula pa nga yung pisngi niya na kung saan siya sinampal. tsk!

Mga walangya!

" Kath tama. Halika dito." Pinatayo ko siya at pina upo o pwedeng kandong na din ang tawag sa legs ko. Habang naka upo ako sa swing. Inalo ko siya para tumahan na.

" Wala naman akong ginagawa ma-masama s-sa kanila ah." Sabi niya habang umiiyak parin.

" Shhh, tama na. Sige lang. Reresbakan ng barkada yan. Tahan na." Tinapi tapik ko yung likod niya habang nakayapak siya akin. Bale yung ulo niya naka dantay sa balikat ko.

Makikita nila. Wala silang karapatan na ganitohin si kath! Shet talaga. Nag ppigil lang ako ng galit ko ngayon kasi inaalo ko pa si kath eh. Makikita nila!

Mamaya.

" Kath, dali punta tayo sa locker ko. May extra t-shirt ako dun. Suotin mo muna yun. Marumi masyado yang t-shirt mo. Tara." Yaya ko sa kanya. Tumayo siya at pati na rin ako. Hinawakan ko yung kamay niya. Umiiyak parin sya.

Nakaka gigil talaga. Sa mga oras nato. Hindi ko pwedeng iwan si kath, alam kong nahihirapan at nasasaktan siya sa mga oras nato. ikaw ba naman na walang alam, at bigla ka nalang inaway, tinampal at buhusan ng kung ano yak sa t.shirt mo. kailangan ako ni kath ngayon, at susuportahan ko siya.

" Okay kana kath?." Tanong ko sa kanya. Nasa labas ako ng CR. Inaantay ko kasi siyang matapos magpalit ng t-shirt. Buti may extrang t.shirt ako lagi sa locker ko.

Lumabas na siya sa CR. okay na siya, hindi na siya umiiyak pero namumula at namumugto parin yung mga mata niya.

" Bagay naman pala sayo ang t.shirt ko eh." Sabi ko sa kanya. T-na try ko siyang pangitiin. Kanina pa kasi siya hindi ngumingiti. Di ako sanay na ganito siya.

" Salamat Dj ha. Yaan mo lalabhan ko to."

" Lalabhan mo talaga yan. Malay ko ba na may putok ka pala, at nahawa pa ako." Biro ko sa kanya.

" Loko!." sagot niya. Ayan, nakangiti na siya. Sinuntok pa niya ako sa balikat. Pero mahina lang naman.

" Tara na. Diba may meeting pa kayo sa club niyo?." Tanong ko sa kanya.

Tulala nanaman siya. Iniisip niya nanaman siguro yung kanina.

" Kath, wag mo ng isipin yung kanina. Yaan mo. Matitikman nila ang bagsik ko."

Hinawakan ko ang kamay niya. At pinaharap ko ang mukha niya sa akin. Nag pout lang siya.

Ginulo ko yung buhok niya para mawala na yung lungkot niya. Dyahe! Nakaka hawa eh.

" tara?" yaya ko.

Sumonod naman siya.

KATH'S pov-

Grabe talaga yung nangyari kanina. Hay! Nakakahiya. Pinagpyestahan ako ng mga studyante. Buti may umawat sa kanila at tumakbo ako palabas ng canteen.

Dumeretso agad ako kanina sa garden, pero before ako naka punta dun may naka bangga ako pero di ko kilala. Kasi deretso lang ang lakad ko papuntang garden.

dun kasi, walang tao. Makakapag relax ako. At nakaka labas ng hinanakit. Sino naman kasi yung mga babaeng yun! Mga walang hiya. Di man lang nag sabi na gaganunin nila ako. Di ako naka pag handa.

Pero buti nalang. Dumating si Dj. Inalo niya ako, hindi niya ako iniwan. Ang sweet niya. Pero ang sweet niya talaga ngayon?

Ah, basta! atleast may naging karamay ako kanina. Hindi ako msyadong naapektuhan. Kasi sabi niya reresbakan niya daw yung umaway sa akin. ^^

At ako, ewan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nagkita kami ulet ng mga bruhang yun.

tiningnan ko ang kamay na humahawak sa kamay ko ngayon. At napangiti ako. I feel so secure kase. ^__^

Pero sino kaya ang mga yun? ..

39 DAYS with HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon