Heartbreak 3 - He's Totally Insane!

420 13 9
                                    

Heartbreak 3 – He’s Totally Insane

            OH MY GOSH.

            Para siyang isang lalaking itinapon ng Diyos mula sa langit dahil sa sobrang kagwapuhan ay nagkagulo ang mga anghel na babae pati mga lalaki nababading sa kanya!

             Napailing ako sa sinabi ng utak ko. Napakalandi. Nakita ko na napakunot ang noo ni Jojo na nakita pala ang pag-iling ko. Tss. Nakakahiya.

          Bumaling naman ang tingin ni Jojo kay Ryan. “Horrible? Yeah right.” Sabay lakad sa upuan na katabi ng kay Ryan. Pagkaupo niya, tiningnan niya ko na para bang nagsasabing, “O ANO?”

         Noon ko lang napansin na nakatingin na pala silang lahat sa akin at naghihintay sa sasabihin ko. Geez. Ano ba to?! Para makabawi sa pagkapahiya, ngumiti ako kay Jojo nang napakaplastic.

          “Good thing nakahabol ka, Mr. President. Di namin inaakalang malelate ka.” I raised a brow. Shet ang plastic ko. “Kakasimula lang namin.” Then I turned to them.

          “The theme is ‘Academics we learn, Theater we hone’. So basically, its about the difference between Academics and Theater.” Tumikhim ako. “In fact, I’ve been thinking maybe we could have a fund-raising event through Theater pa din. It could be a role play or a musical show.”

          Napatingin ako kay Jojo na nakakunot ang noo.

           WATDAPAK?

*FLASHBACK*

          Nagmimeeting lahat ng officers noon ng High School Department, lahat present. Si Ma’am Edz, yung teacher namin, ay nagtatanong kung ano pang improvements ang kailangan ng school para sa darating na PAASCU Visit. Ako naman, sa sobrang bano, nagtaas agad ng kamay.

 

           “Ma’am, maybe we could have to improve our ventilations like aircon.” Nakangiting sabi ko.

 

           “No, Ma’am.” Sabat naman ng isang makating dila. Pagtingin ko, si Jojo pala! Ihh. Kakahiya naman. “We don’t have enough budget for some whims and caprices.”

 

O . o

 

           Ano daw? Kapritso ang aircon? Pakyu!

 

          Napamulagat ako sa kanya na nakabuka ang bibig. Kinalbit ako ng katabi ko na umupo na. Di pa rin ako makareact ng ayos.

 

         “Pano po kung kakagaling lang nila sa PE class? Edi baka magkapneumonia pa po sila, isa pa, baka po mag-amoy pawis ang mga room.” Dagdag pa ng lalaking yon.

 

         PAKYU TALAGA! You made me feel useless, you piece of shit!

 

*FLASHBACK*

 

              At ngayon. Hinihintay ko ang pagkontra ni Jojo sa sasabihin ko. Dahil lagi sa tuwi-tuwina na lang lagi, lagi na lang siyang laging may kontra! Teka, nakailang lagi ako!?

            Pero parang hindi dadating yun.

           I saw Jojo nod, and he stood up, catching everybody’s attention.

            “Right. I think that’s a very good idea.” Napangiti ang iba, alam na kasi nila na lagi na lang akong binabara ni Jojo. “We should assign an officer for each level na kukuha ng participants. It should be 4, at most. At tayong mga officer, we are automatically in.”

            Tumango ang iba.

           “Now, now, now.” My turn to catch their attention. Ang walanghiyang yun, nang-agaw ng spotlight. “Wala bang kokontra?”

           At yun na nga, pag nagatungan ni Jojo, walang nakontra. He has this charisma over women. Yung parang nakakahypnotize.

           Natapos ang meeting na yun na naassign na namin ang may mga assignment. Kat, Jojo and I are the over-all in charged.

         Umalis na ang lahat sa Conference Hall at kami na lang ang natira ni Jaz.

         "Hanggang ngayon pala abot langit pa ang galit mo kay Jojo?" -- Jaz

        "Hindi ba obvious? Kumukulo lang talaga ang dugo ko pag nakikita ko yun!" sabay kuha ng microphone sa karaoke na ginamit namin kanina.

        "Anong di obvious ka diyan? Alam na kaya lahat ng officer na war kayo!"

        "Wala akong pakialam sa kanya. Wala na."

        "Sus. If I know..." Tumingin ako sa kanya.

        "If I know ka diyan?" Sinamaan ko siya ng tingin.

       "If I know," lumapit siya sa tainga ko at bumulong sa akin, "you still have the hots for Jojo's hot and sexy body!"

      "Aba't----!!" Tumakbo na ang luka lukang yon. Pasalamat siya good girl ako, di ko siya hinabol ng saksak at  baril. Mouwahahaha! *u* Aba'y teka, ako na lang pala tuloy ang nag-ayos sa cabinet ng microphone!

      Langya Jaz. Pambihira ka talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clashing PresidentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon