Dreaming of you (Ice and Yanna's side story) (A VanYen One shot FF)

Start from the beginning
                                    

------------------

Crap!! bakit ayaw nya bang sagutin?? bwisit na isip ni Ice, dinial nyang muli ang number nito na ibinigay ni Dani sa kanya, 

"the number you dial is either unattended or out of coverage area, please try again later"  dinig nyang sagot ng operator sa kabilang linya. He was starting to be pissed off.. kanina ay binabaan sya nito ng phone, tapos hindi naman sinagot and then now papatayin pa nito ang phone.. PFTTT!! kung hindi lang ipinakiusap nila dani at Felize na isabay nya papuntang Palawan si Yanna ay hindi nya ito pag-aaksayahan ng oras, kaso nga lang he was a man of his word, he may be a complete and total jerk pero never syang sumira sa salita nya. muli ay dinail nya ang numero nito, but still...

"the number you dial is either unattended or out of coverage area, please try again later"

Ang kulet!! eh kanina ko pa tinatry tumawag wala pa din!!?? Inis na sagot nya sa operator, bagaman alam nyang useless ang pang-aaway nya sa isang recorded operator. Ano naman ba kase ang nangyari dun sa babae na yun??? Hindi kaya may nangyari masama sa kanya? baka nakidnap na sya? or nahold-up? or baka na--- gaawd!! Ipinilig nya ang ulo ayaw nya ng mag-isip pa nung kung ano-anong bagay na masama, sigurado sya na boses ni Yanna ang sumagot ng cellphone nito kanina, she alone could own that sweet and angelic voice, eh paano kung nung sinagot nya ang phone ay biglang nakita ito ng hold=upper at sinamantala na nakalabas ang cellphone nito?? pftt!! I said quit it! muli ay may tinawagan sya sa kanyang cellphone.

"hello? ice bakit?" narinig nyang sagot ni Dani sa kabilang linya. after ng pinag-usapan nila noong nagdaang araw ay tila naglaho na ang pag-aasam nyang maging girlfriend ito, batid nyang seryoso ito sa ginagawang pagsuyo sa kaibigan nyang si Jared, kung kaya naman ay mabilis nyang natanggap na hindi ito para sa kanya.

"Dani,saan ba manggagaling si Yanna?" tanong nya, he tried so hard na hindi ipahalata dito ang nararamdaman nyang kaba.

"hmmmm.. if I'm not mistaken, sa ateneo sya manggagaling,bakit?" tanong nito

Sasabihin nya sana dito na hindi nito sinasagot ang tawag nya, ngunit may nagsalita ulit sa kabilang linya...

"Ice, pwede bang wag mo na ulit  tatawagan si Dani?" nabigla sya ng marinig ang boses ni Jared sa kabilang linya, Bahagyang nawala ang pag-aalala nya kay Yanna, napangiti sya sa isipan, something's indeed different with my friend... 

Ngunit napalis agad ang ngiti nyang yon ng maalala nya ang maamo at mala-anghel na mukha ni Yanna, ang mabini nitong paghalakhak na nadidinig nya sa tuwing magkakasama ito at ang mga kaibigan nito, ang mahinhin nitong pagkilos at paggalaw at lalong lalo na ang mga tipid at kimi nitong ngiti sa tuwing magkakasalubong sila. Dammiiittt!! i will not be able to forgive myself if something wrong happened to her.

Hindi totoong ayaw nya dito, katulad ng kadalasan nyang sinasabi sa mga kaibigan nya. oo ngayon inaamin nya na, talagang nagagandahan sya dito, kahit hindi ito ang tipo nyang babae, kahit na hindi exciting ang personalidad nito, still may kung anong karisma ito sa kanya. Unang kita pa lamang nya dito ay may nadama na agad syang atraksiyon para dito, ngunit pinilit nyang itago at pagtakpan iyon dahil alam nyang hindi sya ang tipo ng lalaking nababagay dito, masyado itong mabait at napaka inosente nito, hindi ito nababagay sa isang playboy at mapusok na lalaking katulad nya, hindi ito ang tipo ng babae na basta basta lang ikinakama.kung kaya naman pinilit nyang hindi ito ang tipo nyang babae upang mapalis ang nadama nyang atraksiyon para dito. Never nyang kinausap or pinansin ito, dahil sa ayaw nyang mapalapit ito sa kanya at ayaw nyang gumawa ng hakbang upang mahulog ang loob nito sa kanya, dahil higit sa lahat ay ayaw nyang masaktan ito.. ngunit ngayon, mukhang nangyari na ang ikinakatakot nya...

How to Win Your Dream GuyWhere stories live. Discover now