TPD Chapter Three

126 6 3
                                    

Chandler's POV

"CARL GRIMES?!"

Napatigil ako sa paglalaro ng Temple Run 2 sa tablet ko when I hear someone's calling Carl's name. Yes, I know Carl Grimes of The Walking Dead, it's my favorite show on FOX Channel. Yea, that's all. I just want to share.

Napatingin ako sa babaeng nagtatago sa likod ng halaman sa may front gate ng mansion. She's wearing a school uniform, nakalugay ito, morena, her eyes were like the doll's eyes. In short, she's pretty. Her expression was shocked. Tumayo ako sa kinauupuan ko para puntahan siya, pero parang natauhan siya sa pagkagulat at kumaripas agad ng takbo.

"Hey! Wait!" I said while running towards the gate.

Paglabas ko ng gate, nakita ko siyang tumatakbo na parang hinahabol hanggang sa hindi ko na siya nakita.

"Is there something wrong, Chandler?" My Mom asked.

"H-Huh? Uh.. N-Nothing, I've just.. Uh.. Nakakita lang po ako ng dog."

"Are you sure? Is it really a dog?" Mom asked. Oh God! Don't tell me, nakita niya?! O.O!

"Ah. Okay, come on. Let's go inside, don't let somebody see you, TOMATO FACE!" Mom teased.

"MOM!" I shouted.

"I'm just kidding. Just get inside." Mom shouted while walking inside the mansion.

Naiwan akong mag-isa sa labas ng gate. Ewan ko ba, I just feel something but I can't explain what was it. Parang... SPARK?

~

Alyssa's POV

"Hey! Wait!" Sigaw nung lalaki. Kumaripas agad ako ng takbo ng makita kong pupuntahan niya ako, ewan ko kung bakit ako tumakbo, siguro nagulat lang ako.

Nang makauwi ako, nakita ko si Mama at Papa sa sala, nanunuod ng TV. Nakaakbay si Papa kay Mama habang tawa sila ng tawa? Hmm. Ano kayang palabas to? Hay. Hayaan mo na nga, kaya umakyat na lang ako sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ko, nakita ko si Ate. Anong ginagawa niya dito?

"Ate, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Makikigamit sana ako ng telephone mo e. Pwede ba?" Tanong niya.

"Osige, pero wag kang magtagal ha? CR lang ako." Sabi ko habang papunta sa banyo.

"Okay."

Pagpasok ko sa banyo, humarap ako sa salamin. Tiningnan ko ang sarili ko.

"Si Carl ba talaga yun?" Tanong ko. OMG. Hindi talaga ako matahimik. Ano? Kaluluwa lang ang peg? Haha! Eh, di nga. Walang biro, kasi e.

"Uhh! Carl! Ikaw ba yung nakita ko kanina?" Sabi ko na naguguluhan.

Lumabas na ako ng banyo, paglabas ko wala na si Ate kaya naisipan kong matulog muna. Pagod kasi ako, ang sakit ng ulo ko. Kaya ipinikit ko na ang mga mata ko.

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ako makatulog. Ano ba? Bakit ganito? Pumapasok kasi sa isip ko ang mga nangyayari kanina. Hinayaan ko na lang na maisip ko ang mga nangyari kanina hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

~

Chandler's POV

It's already eight in the evening. We were having a dinner with my relatives. Marami silang napagkwentuhan hanggang sa mapunta sa akin ang topic.

"Ikaw, Chandler, do you have a girlfriend?" Tita Maggie asked me.

Umiling lang ako sabay ngiti.

"Pinuntahan ko na nga pala yung school na papasukan mo. Nai-enroll na kita, bukas na pasok mo." Tito Glenn said.

"Thank you." I said.

Marami pa kaming napagkwentuhan. Hanggang sa matapos kami lahat. Pumunta na ako sa room ko, matutulog ako ng maaga dahil may pasok pa ako bukas. Nakahanda na ang uniform at ang gamit ko. Naghalf-bath ako then nahiga na. Naalala ko na naman si Andi. Kamusta na kaya siya? Masaya na kaya sila ni Ken? Hay. Ayoko muna silang isipin. I closed my eyes, pero naisip ko yung girl kanina na tinawag akong Carl Grimes, saan kaya siya nakatira? Magkikita pa kaya kami? Hay, ewan. Sana... Someday, we'll meet again. Someday.

~

^ HeyMissAwesome :)

Three Perfect DaysHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin