TFY 18: He Who Doesn't Care

66.2K 1.5K 68
                                    

Thank You po sa mga Vomments!

Salamat po

FB GROUP:

https://www.facebook.com/groups/988909977889463/

FB ACCOUNT:

https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818

***********

Nagulat na lang ako nang pagpasok ko sa Condo ko ay nakita ko sa Couch ko si Kuya na nakaupo at nakita ko rin si Dad na nakamasid sa bintana ko.

Hindi maganda ang ekpresyon sa mukha ni Kuya nang tinignan ako nito kaya parang kinabahan ako.

"Dad.." Tawag ko rito. Tumikhim naman ito bago ako nilingon.

Nagtungo ito sa Couch at umupo malapit kay Kuya. Hindi ko maintindihan bakit para akong kinakabahan kay Dad ngayon. Well lagi naman akong kinakabahan sa kanya.

"Lumipat ka na sa bahay. Delikado ang magisa ka rito." Nagsalita si Dad. Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Dad I'm fine here." Ngumiti ako.

"Fine. Dahil nagagawa mo ang mga bagay na gusto mo. Come back home or else.. I'll cut off all of your cards." Pagbabanta nito. Tinignnan ko si Kuya pero nakayuko lang ito. Lagot na. Ayaw kong umuwi. Bantay sarado na naman nila ako kapag uuwi ako. Hindi na ako makakalabas ng mag isa. Papaano na ng trabaho ko sa Shop?

"Dad, I'm all grown up. I can manage myself"pagkukumbinsi ko dito. Pero napakaseryoso masyado ni Dad at parang walang balak pakinggan ang mga sinasabi ko sa kanya.

" And mag resign ka na sa coffee shop ni Luke. Alam mong ayaw kong magtrabaho ka dun diba? Pero sinuway mo ako. Sa kompanya ka magtrabaho kung gusto mong magtrabaho." Naramdaman ko na ang galit sa tono ng boses ni Dad. Napayuko nalang ako. Ninenerbyos na ako. Napapisil pisil ako sa mga daliri ko. Ayaw kong Umuwi at lalong ayaw ko namang magresign.

"And one thing more. You prepare yourself. I have agreed for your marriage with Ron"

Parang tumigil ang mundo ko nang maranig ko ang mga sinabi ni Dad. Tumingin ako sa kanya. Without even asking it.. I knew then.. That he meant every word he said.

"D-Dad" parang napaos ang boses ko. Lumapit ako sa kanya. Kasabay nun ay ang pagtayo nito

"You will marry Ron at any cost"

Matapos nun ay naglakad na palabas si Dad. Natulala ako at napaupo sa Couch. Hindi ko lubos akalain ito. Bakit ako ipapakasal ng basta basta sa taong hindi ko naman mahal? Bakit? At papaano ko tatanggapin lahat ng ito gayong may ibang tao akong mahal?

"Nyda." Narinig ko ang pagtawag ni Kuya sa akin.

"Hindi ito totoo kuya diba? Hindi ako magppakasal." Tumingin ako sa kanya. Peto napapikit lang si Kuya at huminga ng malalim.

"I am sorry. But I agree with Dad. " sabi naman nito. Napaawang ang bibig kong tumingin uli sa kanya. I was disappointed with him. Akala ko man lang ay papanigan ako nito. I was wondering if may ginawa man lang ba siya para pigilan ang desisyon ni Dad? Marahil ay wala

"Ako na ang bahala sa Pagreisign mo sa Coffee Shop. Kakausapin ko si Luke" Tumayo ito.

"Hindi ako magreresign at hindi mo kakausapin si Luke tungkol dito." Sabi ko naman. Napatigil ito at liningon ako. Tumayo ako para harapin siya

"Hindi mo kakausapin si Luke tungkol na naman sa akin. Magreresign ako pero ako ang kakausap kay Luke."

"Nyda please. Hayaan mo na si Luke. He's living his life now. " malamig na saad nito. Naramdaman ko ang dibdib ko oarang may gustong kumawala pero pinipigilan ko.

To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDKde žijí příběhy. Začni objevovat