Chapter 1: He.

9 0 0
                                    

Angelica's POV

"Ateeeeeee! Gising na daw!" Yugyog sakin ni Mark, kapatid ko na 4th year high school student.

"Angelica! Gising na, anak. Bawal ka malate" sabi sakin ni nanay ng makabangon ako ng kaunti.

"Araaaaaaay! Nay si Mac oh!"

"AHAHAHAHAHA" Tawa nila Mac at Mark. Wala na kong magawa kundi tumayo na lang, hawakan ang pwet na masakit at kunin ang salamin at isuot. Sa Sofa lang ako natutulog dahil maliit ang bahay namin. Si Mac ay isang 3rd year high school student.

"Tama na yan, kumain na at maligo." Sabi ni nanay habang nilalapag ang kanin at ulam sa lamesa. Pagkatapos namin maligo at maghanda, sabay sabay kaming kumain.

"Hoy, pengeng pera." Sigang sabi ni Kuya Magg. Si kuya Magg ay isang 2nd year College Student DAPAT. Kaso sutil, napabarkada sa mga sutil din at naging lasinggero tulad ni tatay dati bago siya mamatay dahil sa isang aksidente. Matino rin naman talaga si tatay kaso nga lang nilamon ng sugal, pero bago siya mamatay nag iwan ng huling habilin at nag sorry sa lahat. May mga barkada din si kuya dati pero Good Influence sila, matataas nga grades niya eh at Full Scholar din dati.

"Anak, wala akong pera" mahinahong sagot ni nanay.

"Walang pera? Eh ano toh hah!?" Sabay dukot sa bulsa ni nanay habang nakahawak ng mahigpit sa braso ni nanay.

"Anak, pamasahe at baon yan ng mga bata" pagmamakaawa ni mama. Halatang nasasaktan na si mama sa higpit ng hawak ni kuya sakanya. Kami? Walang magawa dahil sinabihan kami ni mama na wag daw naming patulan si kuya Magg. Naka yuko lang sina Mac.

"Wala akong pake, kahit pag aralin mo pa yang mga yan wala rin yang mararating! Gastos lang!" Sigaw ni kuya samin kaya napa yukom ako ng kamay. Hinawakan naman ako ni Mark na ibig sabihin ay wag. Kinuha na ni kuya Magg ang pera at umalis.

"Pasensya na mga anak, wala muna kayong pamasahe. Mag tira kayo ng kahit onti na ulam at kanin para maibaon niyo." Sabi samin ni nanay habang pinipigilan umiyak.

"Ma, ibaon niyo na lang po sa school na po kami kakain." Mahinahong sagot ni Mac.

"Sige mga anak, mag ingat kayo ha."

"Opo"

Scholar kaming tatlo kaya nakakapag aral pa kaming tatlo. Silang dalwa ay 1st honor sa batch nila at Varsity din. Si Mac sa Basketball habang si Mark ay sa Soccer. Ako? Valedictorian at Varsity ng volleyball pero ngayon wala akong balak mag laro dahil makakakuha naman ako ng Scholarship kahit sa academic lang at makaka focus pa ko.

Naglakad lang ako mula sa bahay namin hanggang sa Haidus Collage University. Malaki ang school at maganda, mayayaman ang mga estudyante at for sure Mayayabang.

Napaka laki ng agwat sa suot nila at saakin. Ako, naka T-shirt, pants at shoes lang na galing sa ukay-ukay eh sakanila? Mga branded. Mamahalin. Hindi mo maiiwasan na manliit dahil naiwas sila sayo at pinandidirian.

Kinuha ko na ang sched ko at pumunta sa naka assign na room. Med. Tech. Ang kinuha kong course dahil gusto ko maging Doctor, gusto kong gamutin si nanay mula sa sakit niya, gusto kong makatulong sa iba.

"Eww, so dirty!"

"Bat pinapasok dito ang mga ganyang tao!"

"Panira ng image ng school!"

"In short Basahan AHAHAHA"

Dahil sa mga narinig ko nun habang dumadaan sa Hallway. Hindi ko maiwasang yumuko at nang ngi-ngilid na yung mga luha ko habang hawak-hawak yung dulo ng bag ko. Malapit na.. Malapit nang tumulo ang mga luha ko nang..

"Aray!"

"Ouch!"

"S-sorry" sabi ko at dahan dahang tumayo. Bumagsak na ang mga luha ko, naka lugay ang buhok ko kaya tinakpan ko yung mukha ko gamit yumg buhok ko para hindi nila makita na umiiyak ako at syempre hindi ko din makita kung sino yung naka bunggo ko pero sure akong lalake yun dahil sa boses at katawan.

"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaan mo!" Sorry nga diba! Psh. Bwiset. Pero.. Parang pamilyar yung boses niya. Parang kilala ko siya, kaya nag bow ako at tumakbo para maka alis dun. Dumiretso ako sa CR para mag-pony tail, hinintay ko lang matuyo yung buhok ko bago itali. Pagkatapos kong mag tali tinignan ko sarili ko sa salmin.

Tama nga sila, mukha akong basahan.

Huminga lang ako ng malalim at lumabas na. Tinignan ko sched ko kung ano una, actually kahapon yung Orientation ng school pero hindi ako pumunta. Nang maka pasok na ko sa room pinag titinginan nanaman ako, ano bang problema sakin ha! Dumating na yung prof at nag simula na. Ganoon lang yung routine ko ngayon araw, pinag titinginan, pandidirian, pupunta sa room, makikinig at pigilan yung mga luhang patulo na. And at last! Tapos na ang klase, dali dali akong lumabas ng room para maka uwi na. Nag lalakad na ko papunta sa Gate ng..

"Hoy! Babaeng baduy!" Sigaw nung lalake sa likod ko. Alam kong ako yun pero hindi parin ako lumingon, sino bang matutuwang ipagsigawan pa yon!

"Baduy! Tigil, hoy!" Sigaw parin niya kaya mas lalo kong binilsan ang paglalakad ko habang naka yuko dahil pinagtitinginan na ko kaso huli na. Nahawakan na niya ko.

"Wait nga lang diba! Hindi ka ba nakaka intidi ba-- ANGELICA!?" Gulat na gulat na sabi niya nang makita niya ko.

"Seonn?" Mahinang tugon ko. (Pronounced as Si-yon)

"Ba-bat mo ko tinatawag?" Dadag ko. Ngumiti lang siya nang nakakaloko at binitawan ako. Namiss ko yung ngiti niyang nakakaloko.

"Now you admit it na baduy ka talaga." Mas lalong ngumiti siya nang nakakaloko. Mukha siyang Drug pusher promise, Pogi nga lang.

"Ano bang kaylangan mo, Yojhiro!?" Inis na sambit ko.

"Woah easy, Kiana. Don't call in my second name." Sabi niya at nagtaas pa ng dalwang kamay na wari'y huhulihin.

"Then don't call me in my second name too."

"Okay okay. I just wanted to inform you that ako yung nakabunggo mo kanina." Ay pusang gala. Kaya pala familiar yung boses!

"O tapos?" Tanong ko at nag crossed arms na.

"You didn't say sorry." What the heck? Nag kasalubong na dalwa kong kilay dahil doon.

"AHAHAHA Wag ka ngang ganyan, Kiana." Natatawang sabi niya kaya mas lalo akong nagtataka.

"What's funny?" Tanong ko.

"Wag mong pagsalubungin kilay mo, ang baduy mo tignan AHAHAHA" turo niya sa kilay ko. Dahil sa pagka inis, naihataw ko sakanya yung dala dala kong libro at umalis na sa harapan niya.

"Aray! Hoy, baduy! Hindi ka pa nag sosorry sakin! Hindi pa tayo tapos!" Sigaw niya.

"Byeeeee Baduy!" This time mas lalo pa niyang linaksan kaya pinagtitinginam na talaga at pinagtatawanan.
This school year is going to be a hell for me.

Magkaiba talaga sila ng kambal niya na si Ate Seika, mabait.

--

11 - 13 - 16


I Will Never Be Your'sWhere stories live. Discover now