Kaming Mga Bato at Bakal

47 0 0
                                    

Overture

Napanalunang Battle of the Bands, pagbuo ng mga katauhan, pag-aaway na hind nawawala, pagkakasundo na mas nagpapatibay ng samahan, pagkakapaos, pagkaskas ng gitara, pag-headbang, paghataw, pagkakalat, pagkatalo sa isa pang battle, panghihina ng loob, paglakas ng dibdib, pag-alis ng takot, pagkanta na parang walang bukas, line-up changes, jamming para maperpekto ang piyesa, at pagkakawatak. Ito ang mga nangyari sa halos maikling panahon ng rakrakan at metal. Sa sobrang ikli, parang bitin pero hindi narin maibabalik ang panahon na iyon. Tumanda na. Nagbinata na. Nagbago na.

Itong aklat na ito ang magpapakita ng mga pangyayari sa buhay banda ng apat na nilalang na piniling makipagsapalaran sa landas na hindi rin nila naabot ang dulo ngunit naging maligaya habang naglalakad. Hindi tinapos sapagkat, lumiko ang isa, ang isa ay huminto, at ang iba ay nagpatuloy. Ito ang istorya ng pagkakaibigan at headbangan nina Inro, Boss, Tsong, at Reb.

"Heavy Metal Music is like asbestos.

Once inhaled, it stays on your lungs for the rest of your life.

Once loved, metal and rock will always be in your blood."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaming Mga Bato at BakalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon