KAYO.

226 11 2
                                    

Parang kailan lang nung halos di na tayo mapaghiwalay.

Parang kailan lang nung lagi pa tayong magkasama.

Parang kailan lang nung kung nasaan ako, nandun ka rin.

At parang kailan lang din nung pinaramdam mo sakin na ako ay espesyal.

Pero ngayon.

Ano ng nangyari?

Asan na yung dating ikaw?

Bakit ngayon ni tingnan ako sa mata kahit isang segundo di mo magawa?

Bakit ni sabihan ako ng mga salitang gaya ng "Hi" o "Hello" di mo magawa?

Bakit ni pansinin ako sa tuwing nagtatagpo ang landas natin di mo magawa?

Ano yun?

Ganun ganun na lang?

Parang walang nangyari?

Parang ni minsan di tayo naging close?

Parang ni minsan di mo pinaramdam sakin na mahal-aga ako sayo?

O baka naman nag-assume na naman ako.

Ang sakit kasi. Ang sakit sakit lang.

Kung ituring mo ako ngayon, parang hangin.

Ay mali pala, kasi ang hangin, nararamdaman.

Pero ako? Ano ako sayo?

Wala. Wala. Para sayo, wala lang ako.

Bakit? Dahil ba may bago ng nagpapatibok ng puso mo ngayon?

Bakit? Dahil ba gusto mong ipamukha sakin na mahal na mahal mo siya at wala na ako dun?

Bakit? Dahil ba gusto mong ipakita sakin na lahat ng inisip ko na meron tayo noon ay ilusyon lang ngayon?

Teka. Bigla akong napaisip.

Wala nga palang TAYO.

Dahil simula pa lang, ang tanging meron  lang ay KAYO.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IKAW, AKO AT SIYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon