Nakasumbrero 2 (True Story)

15.7K 225 10
                                    

Nakasumbrero 2 (True Story)

Gabi na nun. Mga 9 pm. Nasa sala ako ng bahay ng pinsan ko which is katabi lang ng bahay namin. Mga 10 steps ata yung agwat ng bahay namin. So, yun. Nakahiga lang ako sa sofa nila habang naglalaro ng pinahiram ng pinsan ko saking PSP para daw may past time rin ako habang nagbabantay sa bahay nila. Umuwi kasi sila ng probinsiya para makilamay. So, habang naglalaro ako, may narinig akong pumito kaya tumayo ako para sumilip sa bintana. Wala naman akong nakita kaya bumalik ako sa paghiga sa sofa. Pinagpatuloy ko ang paglalaro ko pero napatigil na naman ako nung may narinig na naman akong pumito. Sinulyapan ko ang bintana na bahagyang nakabukas at may nakita nga akong lalakeng kumakaway dun sa labas. Tumayo ako galing sa pagkakahiga ko at bahagyang lumapit sa bintana para makilala kung sino ang nakaway sa labas pero napasinghap nalang ako sa gulat at takot nung mapagtanto ko na wala siyang mukha at ang mas ikinatakot ko ay ang dilaw na sumbrerong sout niya. Dali dali akong tumakbo papuntang kusina at lumabas dun sa back door nila. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko pero sinikap ko pa ring makatakbo pauwi ng bahay. Pagdating ko sa bahay, nagsisisigaw ako kaya nagising sila Mama. Niyakap niya ako pagkatapos nun, wala na akong maalala.

Pagkagising ko, tinanong ako nila Mama at Tito. Sinabi ko lahat sa kanila pero ayaw nilang maniwala. Baka daw mga tambay lang yun na nantitrip sakin. Pero alam ko talaga na yung nakita ko nung araw na may lagnat ako at yung nakita ko kanina ay iisa.

Nagpakita ulit siya sakin.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KANGINIG-NGINIG part 1! [COMPLETED]Where stories live. Discover now