Ep.04- School is Not for Him

13.5K 351 60
                                    

Simula nung pumasok si Nikolai dito sa Suther High, lagi na syang nakabuntot sakin saan man ako pumunta. Madalas tuloy kaming napagkakamalan, especially ng mga classmates namin, na may something kami. But I keep saying to them na nagkataon lang na magkalapit kami ng tinitirahan.

Speaking of tinitirahan, saan nga ba tumutuloy si Nikolai ngayon? Kung iniisip nyo na sa bahay namin then nagkakamali kayo! As if naman na papayag ako no? Ang totoo nyan, I forced him to rent for an Apartment. Hindi naman sya gaanong nalalayo sa bahay namin. I'm just kinda worried na may gawing kung anong weird na bagay 'tong si Nikolai since hindi nga RAW sya taga rito sa oras na 'to. Pero ang pinaka pinagtataka ko talaga is kung saan nya nakukuha yung mga perang ginagamit nya? o__O

Hanggang sa corridor, nakasunod padin si Nikolai sa likuran ko. Medyo naiilang na ako dahil pinag titinginan na kami. Alam ko, lahat sila iniisip na boyfriend ko sya. However, nang papasok na sana ako ng classroom, may biglang humarang sa daan ko.

"Good morning Cheska!" Bati ni Biggs saakin na nakaharang sa pinto ng classroom.

"Uh.. Good morning." I slightly bowed at him.

Siga siga ang asta ni Biggs na naging manliligaw ko dati. Pero never ko syang inentertain dahil sa background nya dito sa school. Sya na ata ang pinaka boss ng lahat ng bad boy dito. Ang balita ko, leader din sya ng isang gang sa labas ng school. Palibhasa, anak sya ng head teacher dito kaya nasa Class A padin sya sa kabila ng lahat.

Napatingin sya kay Nikolai na nasa likuran ko padin. Maangas ang tingin nya na parang nananakot.

"Sya na ba ang pumalit saakin?" Tanong ni Biggs.

Nanlaki bigla ang mga mata ko. What does he mean by "pumalit sakanya"? Kelan ba ako naging sakanya? Pssh.

"Pwede Biggs padaanin mo ako? Gusto ko na sanang umupo eh." I said in a polite way.

"Eh kung sagutin mo kaya muna ako. Ta's dun kita papadaanin." Sabay hinawakan nya ako sa braso.

Hindi pa man ako nakakapag-react, agad nang kumilos si Nikolai. Hinawakan nya si Biggs sa kwelyo at kinalakad sa dulo ng classroom sabay idinikit sa pader at iniangat. Seryosong nakatingin si Nikolai kay Biggs.

"Ibaba mo nga ako. *cough* Hindi mo ba ako kilala? *cough*" Sigaw ni Biggs.

Hindi nagsasalita si Nikolai. Masama lang ang tingin nya dito. Pinagtitinginan na sila ng buong klase na kanina lang ay busy sa kanya kanya nilang gawain. Ibinaba lang ni Nikolai si Biggs nang awatin sila ni Jed.

"Ha-ha-ha. Pasensya na kung mangengealam ako sainyo pero 'wag naman sana kayong mag-away dito. Please?" Kabadong pakiusap ni Jed.

Tahimik na ibinaba ni Nikolai si Biggs sabay naglakad pabalik sa kinatatayuan ko. Tumumba naman si Biggs sa sahig na di parin tumitigil sa pag ubo. Dahan dahan syang tumayo at itinuro si Nikolai.

"Hoy ikaw!" Sigaw nya. "Humanda ka sa'kin hayop ka! Di ko palalampasin 'tong ginawa mo."

Hindi pinansin ni Nikolai ang banta ni Biggs sakanya. Binalikan nya lang ako para ihatid ako sa desk ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa ginawa nya o kailangan kong matakot dahil sa banta sakanya ni Biggs. I really hope na walang mangyaring masama.

School Gym...

"Now class," Nasa loob ng court ang P.E teacher namin, "Basketball ang sport na lalaruin natin ngayon. Mga boys muna ang gusto kong makitang maglaro. Mahahati kayo sa dalawang grupo. Ang Red team at ang Blue team."

Sa Blue team napunta si Nikolai, same team kung nasaan si Jed. Wala pading nalalaman si Jed tungkol kay Nikolai at wala din akong balak magkwento. Baka kasi isipin nya lang na weird din ako kagaya ni Nikolai.

Time Traveler PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon