INA , AMA SALAMAT

6.5K 17 3
                                    

MAGULANG ANG SYANG BINIGAY NG POONG MAYKAPAL UPANG SA IYONG PAGSILANG ALAM MONG MAYNAGMAMAHAL SAYO , SA INIT NG KANILANG YAKAP AT HALIK,,, SA BAWAT NGITI AT HALAKHAK , SA BAWAT MINUTO NA KASAMA KA NILA , AY ISANG NAPAKASAYANG ALA-ALA NA HINDING HINDI NILA MALILIMUTAN  MAGPAKAILAN MAN

 Sa isang bahagi ng ating buhay ,  tayo ay isinilang sa mundong ito . Walang kamuwang muwang , tayo'y isang sanggol lamang na hindi kayang protektahan ang ating mga sarili . Tayo ay lumaki , nag aral, nagkaroon ng kabarkada , nakapagtapos , nagkatrabaho, nagkaproblema , nagmahal, nagkaroon ng sariling pamilya, tumanda at namatay yan ang cycle ng buhay ng isang tao .. pero magagawa ba natin ang lahat ng iyon kung wala ang dalawang tao na syang naging dahilan kung bakit nasilayan natin ang mundong ito ? .. hindi diba? simula't sapo'l ang ating mga magulang ang bukod tanging tagapagtangol natin , taga pag alaga  .. ngunit nakuha mo bang magpasalamat?

Si nanay , siyam na buwan ka nyang inalagaan sa kanyang sinapupunan , alam mo ba kung gaano kahirap ang magdala ng isang sanggol ? sa kanyang pagtulog at paliligo ?  .. sa kanyang panganganak sayo .. ang sakit na naramdaman nya  ay sampung ulit na masakit kapag  nahiwa tayo ng kung ano mang bagay . Sa kanyang pagpapalit ng lampin o diaper bawat oras , sa kanyang pagpupuyat dahil sa pagtimpla ng gatas mo ..Ang mga  araw araw na  siya ang nagluluto ng pagkain mo , sya ang naglalaba at naglilinis ng bahay , kasabay pa nito ang pag iyak mo... Si nanay ang naging sumbungan mo sa oras na may nanakit sayo , si nanay ang syang nagbibigay ng importansya sayo. si nanay kayang gawin lahat para sayo .. naisip mo ba kung bakit pumatak ang luha nya?

Si tatay  , ang taong gumagabay sayo , ang lalaking pinakamasaya ng dumating ka sa buhay nya , ang taong nagpapakapagod sa trabaho upang mabigyan ka ng isang magandang kinabukasan. SI tatay ang dumisiplina sayo upang maituwid ang pagkakamali mo , si tatay na nagbibigay ng lkas ng loob na harapin mo ang mga problema na kakaharapin mo, siya na handang tumulong sa kahit anu mang paraan para sayo , siya na naging unang super hero ng buhay mo , siya ang nag isa sa mga taong hindi man pinararamdam na mahal ka nya , pero ramdam mo sa ginagawa nya ,  si tatay na tuwang tuwa sa mga achievement mo . si tatay na number one fan mo  at pinagmamalaking anak ka nya.. naisip mo ba kung bakit pumatak ang luha nya?

sa paglaki mo at pag alis mo sa poder nila ...  naisip mo ba kung anong mararamdaman nila ? naisip mo ba na ikaw na tanging kayamanan nila ay aalis pagkatapos alagaan , at mahalin ? .. ALAM MO SA SARILI MO NA MATANDA NA SILA .. oo nagbibigay ka ng pera at dumadalaw ka kapag holiday . pero iba parin kapag kasama mo ung taong nagbigay ng buhay sayo .. napakahirap sa isang magulang ang mawala sa kanilang minamahal na anak .. sa pagtuntong o ng paaralan si nanay ang naghahatid sayo , ang unag teacher mo , si tatay sa first love mo ang gumabay at nagpatahan sayo ,... oo may mga pagkakataong hindi kayo nagkakaintindihan , hindi ka pinapayagan sa birthday party ng kabarkada o classmate mo . hindi ka pinayagan sumama sa outing ng barkada , gusto nila matataas ang grades mo .. akala mo ba may makukuha sila pag pinagbawalan ka nila ? WALA , kasi para din yun sa kapakanan mo , ayaw nila na mapahamak ka iniingatan ka nila , at nais nila na magkaroon ka ng napakagandang kinabukasan ... walang taong perpekto minsan kasi si nanay boto sa manliligaw mo  pero si tatay hindi kasi alam nya kung ano ang lalaki alam nya dahil lalaki din sya , kabaligtaran naman yan kapag lalaki ang anak si tatay ang payag pero si nanay ang hindi kasi , ang si nanay alam nya ang ugali ng mga babae ...

MArami kayong napagdaanan ng mga magulang mo , simula pagkabata hanggang sa pagtanda  . MALAKI KA NA NGAYON pero sana maintindihan mo na kaylangan nila tatay at nanay  ang anak nila na mag aaruga sa kanila , hindi nila hinihiling pero sa magkusa ka man lang  hindi dahil para mabayaran ang paghihirap nila sayo kung hindi dahil mahal mo sila .. Alam mo naman na ilang taon na lamang maari na silang mawala , iwan ang mundo . Pero bago man lang sana  mahuli ang lahat , bago ka magsisi .. ipakita mo , sabihin mo at iparamdam mo na mahal na mahal mo sila ... Alalahanin mo nga nung bata ka.. sino ang nagturong lumakad sayo at kapag nadapa ka sinu ang nagtatayo , sana gawin mo din yan kayna nanay at tatay mahina na ang mga katawan nila kaya dapat alalayan mo sila, noong bata ka sino ang nagturo ng mga bagay bagay sa iyo ? sino ang nagpapaalala ng mga bagay na dapat mong gawin? diba sila .. sana tulungan mo din sila , dahil dala ng katandaan nahihirapan na silang gumalaw at minsan nakakalimutan na nila ang mga bagay bagay .. noong bata ka sino ang nagpapatahan sayo kapag  umiiyak ka..?  sana ngayon pagpasensyahan mo na sila dahil ang matatanda mahirap ng intindihin pero sana makayanan mo .. pagpasensyahan mo na ang amoy nila kasi nahihirapan silang labanan ang lamig ng tubig kung kaya't minsan na lamang silang maligo .. hindi naman lahat ng bagay perpekto kaylangan mo lang maging totoo , sa sarili mo at sa mga ginagawa mo..

ALAM MO ba , kapag nawala sila , wala na silang aalalahanin dahil alam nila na kaya mo na ... naging mabuti ka .

tandaan mo lang na MAHAL NA MAHAL KA NILA >>>>>

ALWAYS LOVE YOUR PARENTS BECAUSE YOU WILL NEVER GET  ANOTHER...

HANGGANG ANDYAN PA SILA MAHALIN MO DAHIL WALANG KWENTA ANG PAG IYAK MO KUNG NOONG NABUBUHAY PA SILA WALA KANG GINAWA UPANG MARAMDAMAN NILA NA MAHAL MO SILA 

=======================================================================================================

MORISET TANIA  :) 

HOPE U LIKE IT !

=====================================================================================================

INA , AMA SALAMATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon