Not One But TWO! Chapter 1.

632 12 2
                                    

"Ahhhhh!! Naman oh!"

"Ayun! hoy tumigil ka!" sigaw nung lalaki sa likuran ko.

Ano ba yan! Kelan ba nila ako titigilan?

*takbo-takbo*

"Habulin niyo bilis." 

Lumiko ako sa unang kantong nakita ko at nagtago sa likod ng mga box na nakapatong patong dun. 

"Ang malas naman talaga." bulong ko sa sarili ko habang sinisilip yung mga lalaking humahabol sakin. 

Sinilip ko ang oras sa aking relo. 7:41 am Shit! Malalate na ko sa school. Nakahinga ako ng maluwag ng lagpasan nila ang tumpok na mga box na pinag tataguan ko. 

Nagtataka siguro kayo kung bakit nila ako hinahabol ano? 

Well .. 

Nagsimula yan ng mabaon ang tatay kong sugarol sa pag kakautang sakanila. Sa sobrang laki na ng utang niya di na niya ito mabayaran .. 

Ang nangyari? 

Tumakas siya at nagtatago kung sang sulok man ng mundo ngayon. 

Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang papa ko. 

Kamusta na kaya yun ngayon? Kahit naman isa’t kalahating kunsumisyon yun tatay ko pa din siya. Ganun naman talaga tayong mga anak. Kahit anong gusto natin na itakwil ang mga magulang natin di natin magawa dahil balik-baliktarin man natin ang mundo MAGULANG pa din natin sila. 

Kelangan ko ng umuwi dahil inaantay na ko ng nakababatang kapatid ko. 

“Miss anong ginagawa mo diyan--”

“Hiya!” sa sobrang gulat ko. Awtomatikong lumabas ang pagiging karate kid ko.

Tinamaan ko ito. Sa lakas ng pag-kakasipa ko nawalan ito ng balanse at natumba.

"Uh-oh! Maling tao." Nanlaki ang mata ko ng mapansing hindi siya kasama sa mga humahabol sakin

Hala anong ginawa ko!? Buhay pa kaya toh!? 

Lumapit ako sa taong nasipa ko.

Nakagat ko ang sarili kong labi ng mapansing dumudugo ang labi niya. Napalakas ata ang pag-kakasipa ko. 

I'm doomed! >.<

"Ugh. Nabasag ata ang panga ko." ungol nito.

"Ok ka lang? Sorry di ko sinasadya bigla ka kasing sumulpot eh." pagpapaliwanag ko.

"Nahihilo ako-" natumba siya ng pilitin niyang tumayo kaya inalalayan ko siya.

"Sorry! Gagamutin ko na lang ang sugat mo basta wag mo lang ako ipapakulong." teary-eyed na sabi ko.

"Ipapakulong? Malayo naman sa bituka toh." humanap kami ng pdeng upuan bago ulit ito nag salita.

"Ano ba kasing ginagawa mo dun?."

"Uhmm- kasi ano hinahabol ko yung tuta ko! Tama hinahabol ko siya! Dun kasi siya tumakbo hehe"     

Napakunot noo ito. 

Gulp! Maniwala ka please! 

Nang hindi siya sumagot kinuha ko bas ang first aid kit na lagi kong bitbit.

"Oh! You need help?." sabi nito habang ginagamot ko ang sugat niya. 

"What?"

"Oww. Dahan dahan lang namn miss." sabi nito ng mapadiin ang pag gamot ko sa sugat niya.

"Oopps sorry. Tulong saan?" nagtatakang tanong ko habang hinihipan bahagya ang sugat niya.

"Nawawala ang tuta mo diba? So tutulungan kita and would you please stop doing that?" 

Napahinto ako sa ginagawa ko. 

"Tuta? Kaninong tuta? tsaka ginagamot ko lang ang sugat mo."

"Kala ko ba nawawala ang tuta mo? At tigilan mo ang paghipan sa labi ko dahil hindi yan lobo." ayun pala! eh para lang naman malessen yung pain kaya ko hinihipan yun..

"You're giving me goosebumps so don't do that." paliwanag pa nito ng mapansing sumimangot ako.

"Oh sorry! hehe yung tuta ko? hayaan muna uuwi din yun samin." dun ko lang napansin na tumatayo nga ang mga balahibo niya.

Masyado siyang balbon XD

"Nag cucutting kaba?" 

Shoot! Napatingin ako bigla sa wristwatch ko.

8:20 Late na ko! 

Tumayo ako bigla at nagmadaling iligpit ang gamit ko.

"Eto band aid ilagay muna lang diyan sa sugat mo.. Sorry ulit ha? Pero kasi late na ko." inabot ko sa kamay niya ang band aid bago tumalikod.

Pero pinigilan ako nito sa paghawak sa braso ko.

"Teka di ko pa alam ang pangalan mo.." 

"Huh? Ah Ayra. Ayra ang pangalan ko ikaw?"

"Neil. Neil Delos Reyes." then he smiled.

"Nice meeting you Neil." sigaw ko habang kumakaway.

"See you soon ayra!" and he waved back.

Not One But TWO! (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon